10

133 10 0
                                    

˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚
𝗛𝗔𝗥𝗔𝗛.
˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚

Patuloy kong pinipindot yung mouse ko dahil ayaw mag-log in ng account ko!

Nalilito na ako kanina pa ako dito na sinusubukang i-log in yung acc ko pero lagi netong sinasabi You can't log in, try again later.

Na-Hack ba account ko?

Anong nangyayari?

Tumalikod ako para tignan si Soobin kung may ikinalaman sya dito pero natagpuan ko lang syang nakatutok sa monitor habang naglalaro ng Dota

Sinubukan ko muli.

Username:JungHayeop09
Password:••••••••••

I anticipatedly waited and then like I expected You can't log in, try again later

Anlakas ng kutob ko na may ikinalaman si Soobin dito sa nangyari sa account ko

Baka Ganti nya to.

Tumingin uli ako sa likuran ko at nakita syang naka-ngisi sa akin.

"Putangina mo."I mouthed at ngumiwi lang sya sakin at tumawa, nagulohan ako at galit na tumayo mula sa kinauupuan ko para kausapin sya

Inusog nya yung upuan nya nang nilapit ko yung muka ko sakanya na may galit na expression ngayon

"Anong ginawa mo sa account ko ha?"Tanong ko sakanya, Pinigilan nya tawa nya na parang bang may nakita syang nauntog sa jeep

"Bat Ka tumatawa ha? SAGUTIN MO AKO!"Inalog ko yung upuan nya pero patuloy parin sya sa paninigil ng tawa nya.

"Bakit naman kita sasagutin eh di mo naman ako nililigawan."Papilosopong sabi nya dahil para mabwisit ako lalo

"ANONG GINAWA MO SA ACCOUNT KO?!"Galit kong tanong muli sakanya at tumawa nalang sya ng tumawa

"WALA NA SYANG ACCOUNT AHAHAHA NGEHHH"Asar nya sakin

"MAY IKINALAMAN KA BA SA NANGYARI SA ACCOUNT KO?!"Tanong ko ulit pero ngayon hindi na sya makapagsalita ng mabuti kasi tawang tawa na sya sakin

Tumigil sya sa pagtatawa at ibinalik ang poker face nya, Luh Bipolar lang?

"Wala akong ginawa sa account mong yan."Irap nya sakin

"Eh anong nangyari don?!"Tanong ko uli

"Malay ko ba."Sinabi nya ng walang emosyon at tinitigan ako, dahilan para umiwas ako ng tingin, Grabe ang powerful ng mga mata nya.

"Alam kong may ikinalaman ka don, Baka ayan yung ganti mo."Turo ko sakanya

"Pano nga kung may ikinalaman ako?"Sabi nya ng nakangiti sakin

Hindi ako nakasagot at sumimangot lang

"Uy ibalik mo sakin yung envelope ko bukas ah."Utos nya sakin

Tumango nalang ako & tumalikod patungo sa Computer para patayin ito at makauwi  na rin sa bahay.

Napatay ko yung Computer at tinignan ko muli si Soobin na nakatitig sa Screen ng computer ngayon.

Sayang talaga to.

˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚
𝗦𝗢𝗢𝗕𝗜𝗡.
˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚˚✧₊ ⁎⁺˳✧༚

Halos umiyak na ako sa kakatawa

"AHAHAHAHAHAH"Pukpok ko sa kama ko habang patuloy ang pagtawa

"Nasapian ba yan, Pre?"Narinig kong bulong ni Beomgyu kay Taehyun

"So you hacked her account?"Tanong ni Kai in english

"Oo, Nauto naman sya naniwala syang ala akong ginawa doon BWAHAHA!"Patuloy ang pagtawa ko

"Grabe to ah..Hindi lang nakuha ang puso ng crush nya, mang-hahack na ng account ng iba."Sabi ni Yeonjun

"Eh kung sya nalang kaya ang maging crush mo? Masmaganda sya kesa kay Seongha-noona."Muntik na akong masuka sa sinabi ni Taehyun

"NGI!Asa kayo! As if magugustohan ko yung babaeng yon."Irap ko sakanila

"You know, love comes from the most unexpected places."Sabi ni Kai

"Nakakatakot ka ngayon Kai, normal ka!"Sigaw ni Beomgyu sakanya

"Tss, Pare..Yan yung sabi ko dati tungkol kay Yeonghee, eh tignan mo ngayon."Sabi ni Beomgyu sakin

"Torpe ka, wag ka nga."Ani ko

"The More you hate the more you love."Biglang sulpot ni Taehyun

"Dami nyong alam mga cyst."I scrunched my nose, Nye Di ko sya type

"Daming alam? Eh bobo ako."Taas-Kilay na sabi ni Beomgyu

"Buti alam mo."Asar sakanya ni Yeonjun

"Diba sabi mo type mo yung mga babaeng Maganda na Gamer at Matangkad?"Sabi ni Kai

"Sayang nga eh! Sayang sya! Amputik ng Attitude nya ang yabang!"Sumimangot ako habang iniisip si Harah

"Edi Meow..Single ka nalang for lyf"Ngisi ni Kai sa akin

"Pero Pre...Baka Gumanti naman sya ng masmalaki sayo."Alalang sabi sakin ni Yeonjun

"Babae yon...Ano naman maigaganti nya sa height na 6'0 neto?!"Tanong sakanya ni Taehyun, natawa lang ako

"Magkasing-tangkad sila ni Beomgyu! At hindi sya basta bastang babae na makikita mong nag-lilip tint at pinapakapal yung kilay."Paalala ko sakanila

"Ay wow Close agad kayo, Sana ol."Sabi ni Beomgyu

"Sapokin kita dyan eh! Ayaw mo naman gumawa ng Moves!"I faked a punch

"Eto naman kasi, Protektadong-Protektado si Yeonghee kahit magkalayo sila."Turo ni Beomgyu kay Yeonjun

"HEH! WAG KA NGA AYAW MO SAKIN IBIGAY YUNG PINSAN MO!"Depensa ni Yeonjun sa sarili niya

"SINO BA SA KANILANG TATLO?!"Inis na tanong ni Beomgyu

"EDI YUNG PANGANAY! SI LEYA! ALANGAN NAMAN I-DATE KO YUNG BUNSONG SI YUNA NA '03 liner!"Sigaw ni Yeonjun

"Opszxc wag kayong mag-away dyan dahil sa mga babae."Awat ni Taehyun sa dalawa.

"Emiko ka lang eh."Asar ni Beomgyu, Sinapak naman sya ni Taehyun dahil don

"Mga Hayop..Akala ko matutulongan nyo ako."Kinamot ko ulo ko habang binubulong yung mga salitang iyon.

•••

𝗛𝗔𝗖𝗞𝗘𝗗 : soobinWhere stories live. Discover now