CHAPTER 16

3.7K 230 4
                                    

"Don't ever be afraid
To show off your true Colors."

NIKKI P.O.V.

Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa Ospital at nakita ko agad sila Lola, Tita Anne at si Bright na umiiyak kasama habang akap akap ni Lola si Bright.

"Dada! Shorry pho hindi ko pho nabatayan si bryche." Sabi ng anak ko habang umiiyak.

"Shhhh! Wala kang kasalanan Bright dahil alam kung binantayan mo ng mabuti si Bryce." Sabi ko naman.

Ng pinanganak ko kasi si Bryce ay mahina ang katawan nya kompara kay Bright lumaki si Bryce nang sakitin kaya ginagawa ko ang lahat para alagaan sya at tutukan sya pero hindi naman din ako nag kulang kay Bright dahil alam nilang dalawa kung gaano ko sila kamahal na dalawa.

"Tita kamusta po si Bryce." Sabi ko kay tita.

"Sabi ng Doctor nya hindi pa sapat ang dugong nasasalin sa kanya dahil naubos din ang stock nila dito sa ospital kaya nag hahanap pa sila ng ospital na may dugong match sa dugo ni Bryce." Pag papaliwanag ni Tita Anne.

Hindi nag tagal ay may nahanap ng dugo na ka match sa dugo ni Bryce kaya binigay nasa madaling panahon kay bryce ang dugo kaya okay na ang kalagayan nya ngayon.

CLYDE JHON P.O.V.

Kung hindi nyo ako kilala ay bumalik kayo sa Chapter 3 ako si Clyde Jhon Lopez. Nandito ako sa Santos General Hospital naka duty bilang Resedent Doctor at may biglang sinugod na bata dito sa ER at Grabe namumutla na sya pero nangtignan kung mabuti ang mukha ng bata ay parang nakita kuna sya dati pero hindi ko lang alam kung saan ko sya nakita kaya pinunta kuna sya sa ICU dahil Critical ang buhay ng bata kaya agad kaming kumaha ng Dugo pero kung swerte ka nga naman hindi sapat ang dugong naibigay namin sa kanya kaya Critical parin ang buhay nya.

"Nurse Lea tumawag kayo sa mga malalapit na Ospital kung meron pa silang AB negative na dugo." Sabi ko kasi may posible na mamatay ang bata pag hindi pa sya agad nasalinan ng dugo.

"Doctor Clyde may nag hahanap po sa inyo." Sabi ng isa ko pang kasamang Nurse.

"Paki sabi hindi ako pwede dahil may ginagawa akong mahalaga." Sabi ko ulit.

"Sabi po kasi nya Kapatid nyo daw po sya Carter daw po ang name." Pag kasabi ng nurse sa akin noon ay nagulat ako dahil bakit sya nandito sa ospital. Simula ng maaksidente sya ay madalang na lang sya lumabas ng bahay. Kung tatanongin nyo kung anong nangyari kung bakit sya naaksidente malalaman nyo din yun.

"Nasaan sya." Sabi ko naman.

"Nasa Nurse station po." Sabi nya naman kaya nag madali akong pumunta at nakita ko nga sya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"May kilala kabang Nikki Javier dito." Sabi nya naman.

"Wala akong kilalang ganyang pangalan pero may patient akong Javier din ang apelyedo." Sabi ko naman sa kanya at halata sa reaction ng mukha nya ang gulat.

"Kamusta yung lagay nya." Tanong nya nanaman.

"Hindi ko pwedeng isabi sayo Carter ang gusto mo dahil bawal yun." Sabi ko naman sa kanya.

"Ka school mate ko lang sya at nakabangga ko kanina malapit sa gate ng umiiyak kaya sinundan ko sya." Sabi nya naman sa akin.

"Ang pag kakaalam ko sa Carter Lopez na kapatid ko ay wala syang paki sa ibang tao." Sabi ko nanaman.

"Iwan ko kung bakit pero may nararamdaman akong kakaiba na hindi ko alam kung ano yun." Pag papaliwanag nya sa akin.

"Doc. Clyde yung patient po natin sa ICU." Tarantang sinabi sa akin ng isang Nurse.

"Anong nangyari." Tanong ko naman.

"Bumababa napo ang BP nya at sinabi po sa akin ni Nurse Lea wala daw pong mahanap na dugong AB negative dito sa malapit na hospital meron daw pong Available pero mga 3 hours daw po bago dumating." Pag papaliwanag naman sa akin.

"Pero kung hihintayin natin dumating yun ay pwede nya itong ikamatay." Sabi ko naman.

"Meron pa pong ibang sulosyon." Sabi ng kausap kung Nurse.

"Ano naman yun!?" Sagot ko naman ng biglang sumagot ang kapatid ko.

"Kuya nakakalimutan muna bang AB negative ang Blood Type ko." Shit! Oo nga pala.

"Okay sumunod ka sa akin para ma test na ang dugo mo kung pwedeng kang kuhanan ng Dugo." Sabi ko naman.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang result ng dugo at hindi ako makapaniwala dahil match sila ng dugong dalawa kung hindi ko lang kilala ang kapatid ko ay mapag kakamalan kung mag ama sila ng pasyente kung bata.

Kaya nag madali na kaming kuhanan ng dugo si Carter at binigay na kaagad sa patient ko sa madaling panahon at salamat kay Lord dahil okay na ang kalagayan ng bata at pinipilit ako kung sino ang donor ng dugong binigay sa bata pero ang sabi ko lang sa kanila galing sa malapit na ospital ang dugo.

Pag katapos kong tignan yung bata ay umuwi na ako sa bahay namin at grabe ang pagod ko ngayon araw nato.

"Kuya! Kamusta yung patient mo!?" Tanong kaagad sa akin ni Carter.

"Okay naman na sya." Sabi ko naman sa kanya.

"Sege kuya punta lang ako sa Garden." At umalis na agad sya at ako naman ay pumunta nasa kwarto ko.

Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba. Pero hindi ko alam kung ano yun. Kanina ng makita ko ang bata ay bigla na lang akong kinabahan na hindi ko naman nararamdaman sa iba kung naging pasyente. At ngayon lang ako napagod ng sobra sa ginawa ko dahil dati dati ay marami pa akong nagiging pasyente at mas malala pasa Case ng batang yun. Pero bakit ganon ang lumabas na result sa test ng dugo nila Carter at noong bata.

Mag Ama ba silang dalawa?

Auhor Notes:

[COMPLETE]Angel's Gift [M2M] [MPREG]Where stories live. Discover now