Xyron's POV
Andito nako sa lugar kung saan dapat kami tatambay pero, niligpit ko nalang since di naman na matutuloy
Bihira lang magalit si Lia, kaya sobrang nagulat ako
Sana pinuntahan ko agad siya... ganito rin yung galit niya nung pinaghintay ko siya ng matagal eh
Hays,,,
"Nalaman ko yung nangyari... kinwento niya samin" sabi ni Cyril.
"Umiiyak siya... wala sana inuna mo muna yung pinangako mo sa 'best friend' mo kesa dun sa isa, wala naman kung bibisitahin mo siya sa clinic pero sana sinabihan mo siya na di na matutuloy" dagdag niya.
Yeah I know I messed up... kanina pa ako di kumikibo.
"Oh siya, maliligo muna ako. Ayusin mo nalang bukas yung nangyari" sabi niya.
Jiya's POV
Nagkkwento samin si Lia, kinwento na niya na ngayon lang niya narealize na nahulog na siya sa best friend niya
Then rinig na rinig namin yung iyak niya kung pano siya masaktan sa ginawa ni Xy.
Ako bilang kaibigan ni Lia, nasaktan din ako
Ang hirap marinig na nasasaktan siya, mas lalo na nung araw na... namatay yung dad niya
Halos di siya makapag participate sa room, pansin namin ni Xy.
Eh may part na mag babakasyon ako kila angelo, buti nalang andun si Xy...
Naalala ko nag ttext si Xy sakin di niya iniiwan si Lia.
So yun balik sa topic
Wala basta yun...
Masaya rin ako kasi
Nag pakatotoo si Lia,
Sinundan na niya kung anong nararamdaman niya hindi yung dahil alam niya.
Pero kailangan kong maghanda handa kasi
Pansin ko na yung susunod neto
Alam kong mas masasaktan si Lia sa mga susunod na mangyayari.
Hays...
Ophelia's POV
Nagiguilty ako dahil nasigawan ko si Xy... pero sa sobrang gigil ko naiyak nako.
It just doesnt feel right.
Mag 10 na ng gabi and I still cant sleep.
Bumaba ako sa kusina para kumuha ng gatas ng nakita ko si kuya nasa sala madaming papel na nakakalat may ginagawa.
"Kuyaaa" pag tawag ko.
"Oh andito ka?? Bat gising ka pa??" Sabi niya.
"Hmmm" wala akong masagot sakanya... pero habang kumukuha ako ng gatas nag iisip ako ng pwedeng isagot.
"Si Xy noh??" Pag banggit niya nun. Nagulat ako.
"Pano mo nalaman??" Sabi ko.
"Syempre kuya moko chaka nag chat sakin si Xy kinakamusta ka... mukhang nag away kayo, lika nga dito" sabi niya.
Tumabi ako sakanya sa sofa, habang nakaabay ako sakanya.
"Ano bang problema??" Sabi niya. Pag kasabi lang niya nun alam kong kailangan kong sabihin lahat ng nasa isip ko.
Sinabi ko sakanya na may gusto ako kay Xy.
Sinabi ko yung nangyari kanina. At kinwento ko yung tungkol kay janna.
"Sabi ko na eh, hays realtalk lang kampante parin ako kasi alam ko eh... dyan mag sisimula lahat yung pag alala, di kita mapipigilan na ibigay mo yung pag mamahal mo sa kanya, pero sana wag mong hayaan na masaktan ka. You deserve to be loved by someone who deserve the love that you can give" sobrang natouch ako kasi naintindihan niya ako.
"Its not easy to fall for your best friend mas lalo na alam mo yung lugar mo, yung andyan ka para lang supportahan siya kahit mahirap ar kahit masakit. Yung di mo kayang sabihin kasi alam mo yun narin yung dulo ng storya niyong dalawa. Please para kay kuya guard your heart" sabi niya. I was about to cry but he hugged me, ang swerte ko kasi kahit andami kong kaibigan kahit tatlo best friend ko alam kong may isa akong kaibigan na kahit kelan di niya ako iiwan.
"Kuya you know I cant promise you that, sabi nga ni mommy normal lang masaktan at kahit anong magagawa natin masasaktan at masasaktan rin tayo" sabi ko.
"Oo tama heheh" sabi niya. And sinamahan ko muna siya for a while... nakikipah kwentuhan at tawanan.
Mag aalas dose na at umakyat na kami para matulog.
Nasa kwarto na ako nakatingin sa kisame and
I just cant help it
There are memories na di ko makalimutan and accidentally I just smile.
Yung tawanan namin,
Yung kwentuhan,
Mga kalokohan,
Mga tampuhan,
I just wanna do it with him.
Siya lang.
Nararamdaman ko na ang antok kaya akong natulog na.
Pag kagising ko ng umaga
Usual ulit nag almusal
Nag ligo
Nag bihis
Nag ayos ng gamit.
Pag labas ko ng bahay nakasalubong ko siya, bakas ang pagalala sa mukha niya.
Then next thing I knew nasa tapat ko na siya.
"Sorry tungkol sa kahapon" sabi niya.
"Sorry din" sabi ko.
"Eto oh peace offering" sabi niya, sabay abot sakin ng maliit na box. Halaaa...
Moon na bracelet.
Nagulat ako sa pag bigay niya neto... and not knowing kung san niya to nabili, not unless...
"Gift ko sana siya next week para sa friendsary natin eh kaso nag tampo kana agad sakin so I just figured out na ibigay ko nalang sayo" di ako makapag salita kasi gandang ganda parin ako dun sa bracelet. "I know na magugustuhan mo kaya moon yung design" sabi niya.
"THANK YOUUUUUU" sabi ko sabay yakap.
"Ehh pano ako wala akong regalo sayo" sabi ko. Nang naka pout.
"May next week pa HHAHA" sabi niya.
Maybe I should get him something para sa next week hmmm, mamaya mag papasama nalang ako kay Jiya.
Andito na ulit ako sa school. Kind of listening kay maam Malia. She's a cool teacher one of my favorite teachers.
I always hold my necklace and just smile. I dunno this is just...
Special.
I dunno I keep on thinking what a month of Xy not being with me would look like.
Parang di ko kaya.
Parang nakakapanghina.
"Ganda niyan ah?" Sabi ni Gelo.
"Bigay ni Xy" sabi ko.
"Kayo na ba?, or ligaw" tanong niya, I wish oo...
"Hindi eh" sabi kong may pilit na ngiti sa labi.
