Chapter 48: Unnoticed

Magsimula sa umpisa
                                    

“Valerie.”, kuya Kevin called her in a warning tone

Inirapan lang naman niya si kuya Kevin. Umupo naman na ako sa upuan na nasa tabi ni Kyle at nagsimula na ang meeting.

Pero habang nasa kalagitnaan ng meeting ay nag-ring ang phone ko. Si Manang Lourdes ang tumatawag.

Napatingin naman ang lahat sa akin.

“I’m sorry but can I answer my phone for a while? Baka kasi emergency.”, sabi ko naman kay kuya Kevin na siyang nagsasalita kanina bago nag ring ang phone ko

Baka kasi emergency kaya tumawag si manang Lourdes. Hindi naman kasi karaniwang tumatawag si manang Lourdes maliban na lang kung emergency talaga. Napatingin naman ako kay Kyle na kunot-noo habang nakatingin sa akin.

“Hello manang Lourdes?”

(“V–Violet iha… pumunta kayo ngayon ni Kyle dito sa Kings Hospital.”)

 

Biglang bumilis naman ang pagtibok ng puso ko sa narinig ko. Bakit kami pinapapunta ni manang Lourdes sa hospital?

“Ma-Manang… ano pong nangyari?”

 

(“Violet… sinugod dito si Kaylee. Nawalan ng malay kanina habang nasa school.”)

 

“P-PO?! Sige po, papunta na kami.”, sabi ko naman bago tinapos ang tawag

Napatingin naman ako kay Kyle na nakatingin pa rin sa akin.

“What is it baby?”, Kyle

“Nahimatay si Kaylee. Nasa Kings hospital siya ngayon.”, sabi ko naman sa kanya

My baby… what happened to her?

*****

Umalis naman kami kaagad ni Kyle sa AC at dumiretso sa Kings Hospital. Naabutan naman namin si manang Lourdes at ang apat na body guards ni Kaylee sa labas ng isang room. Kausap naman ni Manang Lourdes ang isang doctor.

“Manang Lourdes.”

Napatingin naman sila ng doctor sa amin ni Kyle.

“Ah doctor, sila po ang parents ng bata.”, sabi naman ni manang Lourdes sa doctor

“How’s our daughter doc?”, Kyle

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon