Chapter 39: In Time

771K 12.9K 2.1K
                                    

Chapter 39: In Time

A/N: Hi readers :) Sinasabi ko na po, di ko po alam kung kailan ko ma-uUpdate ang story na toh. Seriously speaking, medyo nauubusan na ako ng ideas at nahihirapan na akong dugtungan itong story. So I need time. Medyo a LOT of it. Anyways, THANK YOU VERY MUCH sa supporters ng story na to! I LOVE YOU ALL

(Promotion of my other story): Kung naiinis na kayo kay Valerie, go try reading my story. Pampawala ng inis yung babae dun. You won't regret reading it I PROMISE :) "THE ACCIDENTAL BRIDE" ang title :) Check it out. It's a ROM-COM story.

SARANGHAE

Enjoy, till the next UD again :)

==============================

(Violet's P.O.V)

Umalis na ang lahat pero naiwan pa rin akong nakatayo... nakatayo sa harap ng puntod ni Kyle.


It was his burial today.


I can't really believe he's really gone. And this time, he's never coming back anymore.


Never again.


Napatingala ako sa langit nang biglang kumulog. Pati ang langit, nakikidalamhati sa pagkawala ng lalaking mahal ko.


Walang emosyong binalik ko ang tingin ko sa puntod ni Kyle.


Nakatingin lang ako sa puntod niya pero maya-maya lang ay naramdaman kong may pumatak sa pisngi ko...


A rain drop.


It's starting to rain but I'm still not moving from where I'm standing.


Ayoko siyang iwan... ayoko pa ring maniwala na nangyayari talaga toh... na talagang wala na siya at kahit kailanman ay di na siya babalik sa akin... sa buhay namin ni Kaylee.


Doon ko lang din namalayan na sumasabay na pala ang luha ko sa ulan sa pagpatak.


Ngayon ko lang nailabas ang mga luhang di ko nailabas nitong mga nakaraang araw.


"Bakit...? Bakit di ka gumising Kyle...? Bakit di ka bumalik?", I asked him as if he's gonna hear me.


Ang sakit...


Sobrang sakit...


Parang kalahati ng puso ko ang namatay na rin. Alam kong kaya ko pa ring ipagpatuloy ang buhay ko dahil nandyan pa rin ang anak namin ni Kyle na si Kaylee pero hindi na magiging kagaya ng dati ang buhay ko.

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon