Chapter 45: Caught

Start from the beginning
                                    

"Are you falling for me already?" Ang nanlilibak niyang mga salita ang gumising sa aking pag-iisip.. Wow, ang hangin parang yung kakilala ko, si Xena siyempre..

"H-hindi noh, naaalala ko kasi si Xena sa'yo.." tumaas lang ang kilay niya at ngumisi.

"Tell me, why do you want to stop the wedding hmm?" Umupo siya sa kama at dumekwatro pa, naka-pajama siya at sleeveless top, sexy, hot siya pero pinakamaganda pa rin si Malds ko..

"Sino ba ang gustong makasal bigla, lalo at hindi mo naman ganun kakilala at lalong hindi mo mahal?" Paliwanag ko at umupo sa silya sa gilid..

"You has a point, but I wanna know the main reason.." she raised her eyebrow again, umiwas ako ng tingin.. paano ko bang sasabihin na patay na patay ako sa kapatid niya..

"Come on, tell it kung hindi, hindi kita tutulungan iatras ang kasal---"

"May mahal na ako, narinig mo naman diba?" Hindi naitago ang inis ko, kinabahan ako ng tignan niya ako ng seryoso.. shit. Ang taray pa naman nito!

"No one..ever raise a voice to me, Dwarfie.." mahina at nakaka-intimidate na sabi niya..

"S-sorry, nadala lang ako.." mahina kong sabi tumaas lang ang isa niyang kilay at nag-cross arms..

"Huwag mo ng uulitin yun, kung hindi magsisisi ka.." tumango lang ako, ano ba kasi ang gusto niyang sabihin nakakainip na eh..

"May mahal ka na nga, pero sino ba?" Dumagundong ang puso ko.. I bit my lip.. paano ko ba sasabihin na...

"Si Xena..siya ang mahal na mahal ko.." ang dapat sa isip ko lang ay naibulalas ko, natutop ko ang deputong kutsinta kong bunganga na maingay at rawr makamandag.

"Ohh, I am not surprised sa lampungan niyo palang kanina, stupid na lang di makakapansin nun.." shetttt shuta talagaaaa, ganun ba ka-obvious ang aming forbidden love? Ang impulsive talaga oo, si Xena kasi, nilalandi ako.. Naalala ko na naman..

"Oh, what's with the sad face, you look ugly infairness.. kaninang sinasabi mong si Bratty ang mahal mo your eyes were sparkling.." may pagka-chismosa ka ghorl..

"Naalala ko lang na..hindi kami pwede.." malungkot akong ngumiti, she clicked her tongue again.

"In scale of 1-10 how much do you love my sister?" Letche pag-iisipan pa ba yun?!

"1000/10.." sigurado kong sabi, natawa siya ng sarkastiko..

"Fine..enough.." she said na tumango pa. I just remain silent..

"Are you willing to cooperate with me?" Mahina niyang sabi sabay tingin ng diretso sa mata ko.. I nodded multiple times at sinabayan ang titig niya.. shet nakaka-pakeng lusaw.. opo, ang ganda niya pero si Malds pa rin ang hanap ng puso kong ligaw..

"You look really inlove with my sister. How I wish you never fall for me.." mala-tornado niyang sabi, huwaw..

"Excuse me ATE, di po ako mapo-fall sa inyo.. Si..Malds lang mahal ko.." she smiled..

"Well, ano kayang magiging reaksyon ni Xenaiden kapag nalaman niyang....Malds..ang tawag mo sa kaniya??" Nanlaki ang mata ko, shuta di pwede, di maaari!!!

"W-wag po, wag niyo po ipaalam.. Papatayin niya ako.." pagmamaka-awa ko pa. Tinaasan lang niya ako ng kilay. Urghh, mukang may pam-black mail ito sa akin!

"Whatever, you look stupid.. so I will tell you the plan.." she heaved a sigh..

"Let us convince my Dad that we shouldn't be together, we are not suitable for each at hindi naman talaga huh, eww.. Anyways, I think the best way to show it, is we have to fight all the time..pisikalan na rin, duh ako lang siyempre mananampal, you think I let you? Sinuswerte ka ata, I am allowing you you to badmouth me.. basta, we have to convince them, Dwarfie.." inismiran ko siya, ngunit tumaas ang kilay niya. Kaya no choice kundi ang tumahimik, baka sampalin na niya ako.

Falling LeavesWhere stories live. Discover now