Chapter 3

64 15 0
                                    

Chapter 3



Nakatitig lang ako sa mga nakasulat sa talaarawan ko, kakatapos ko lamang isulat ang naging pag-uusap namin ng mga magulang ko sa harap ng hapag-kainan kagabi.
Ganito naman ako palagi, tanging sa mga talaarawan ko lang naiikukwento ang lahat ng saloobin ko.
Simula ng mamatay si lola ay wala na akong napagsasabihan ng mga hinanakit ko at mga saloobin.


Nasagot ko nga pa si ama ng hindi maganda dahil tumututol talaga ako sa kasunduang kasal na iyon, na sila-sila rin ang makikinabang.
Wala akong makita na kaparte ako noon.
Hindi ako magiging masaya kung matutuloy ang kasal at hindi ko nakikita na makakabuti para sa akin ang kasal na iyon.


Hindi ko pinangarap na maikasal dahil sa kasunduan lamang  at maging instrumento para makamit nila ang mga gusto nila.
Alam ko na may dahilan bakit din gusto ni Don Rodolfo na maikasal ako sa kanyang anak, alam ko na may gusto silang makuha mula sa amin.


"Binibini, tapos ko na po ang mga gawain ko sa baba maaari ko na  kayong samahan magtungo sa Lupain Ng Mga Bulaklak"
masayang wika ng aking tagasilbing si Lucia na nasa tapat ng pintuan ng aking silid.


"Nakalimutan mo na ata Lucia, na hindi ako maaaring lumabas ng aking silid ngayon dahil sa naging asal ko kagabi"
saad ko at kinuha ko ang kwaderno ko na pinagguguhitan ko at tinitigan ko na lamang  ang mga bulaklak na nakaguhit doon.


"Señorita, wala po si Donya Victoria at Don Eduardo nasa kabilang bayan po sila. Tanging si Maestra Ana lang po ang nandiyan at sabi niya ay pinahihintulutan niya raw po kayong lumabas at magtungo sa paborito ninyong lugar dito sa hacienda"
Nakangiting wika ni Lucia at hinila ako patayo sa aking kinauupuan at pinaupo ako sa harapan ng aking salamin at inayos niya ang aking buhok.



Pakiramdam ko ay nawala ang mga iniisip kong mga problema habang naglalakad ako sa gitna ng mga nakatanim na iba't ibang kulay na mga rosas.
Pitong iba't ibang uri ng bulaklak ang nakatanim dito, at halos dalawa't kalahating ektarya rin ang laki ng lupain na ito na tanging ang  nakatanim na mga bulaklak lamang ang makikita mo rito, isang bahay kubo at ang kaisa-isang puno ng Narra na nasa tabi ng kubo.


"Mamaya muna tayo pumitas ng mga Rosas, Lucia gusto ko muna magtungo sa pinakapaborito kong parte ng malaking hardin na ito"
sabi ko at naglakad kami patungo sa  pinakamalaking parte ng lupain. Ang taniman ng mga pinaka paborito kong Mirasol.


Lumawak ang aking ngiti nang titigan ko ang Mirasol na hawak ko habang naglalakad ako sa harap ng aming mansyon
Pakiramdam ko gumaan ang araw ko dahil sa mga bulaklak na napitas ko ngayon.


"Napakasaya mo ngayon, Natasha"
Nakangiting wika ni tiya na nakatayo sa tapat ng pintuan ng aming mansyon.


"Mga bulaklak po para sa ating altar, Tiya. At maraming salamat po sa pagpayag na makalabas ako ng mansyon"
Iniabot ko sa kanya ang mga puting rosas na siyang ikinatuwa niya.


"Walang anuman aking pinakamamahal na pamangkin!
Gusto ko na maging masaya ka.
Iyon ang palaging hinahangad ko"
Lumapit si tiya sa akin at hinaplos ang ulo ko.
"Sige na't umakyat ka muna sa iyong silid baka makarating sa iyong ama na pinalabas kita"
Naintidihan ko naman ang sinabi ni tiya, maaaring magsumbong ang mga tapat na guardia personal ni ama kaya bago pa nila ako makita ay umakyat na ako.
Ayoko naman na mas tumagal ang pagkakulong ko rito sa kwarto.


Mahina akong kumanta ng isang awitin na natutunan ko sa Maynila habang nag-aayos ako ng mga bulaklak sa mga plorera.
Gusto ko na may mga bulaklak sa kwarto ko ngayon, lalo na ang bulaklak ng Mirasol na tila nagiging gamot ko sa kalungkutan at pagkapagod, at nakakalimutan ko ang mga suliranin ko.


148 YEARS GAP|JUNG HOSEOK(On-going)Where stories live. Discover now