Chapter 2

56 13 1
                                    

Chapter 2



"Samahan mo ako Lucia gusto kong mamasyal sa Lupain Ng Mga Bulaklak ngayon pagkatapos ko mag-agahan"
sabi ko habang inaayos ang pagkakatirintas ng aking buhok.


"Tiyak na matutuwa ang inyong mga alagang bulaklak kapag narinig nila ang inyong tinig, Señorita"
saad ni Lucia na tinulungan ako sa paglalagay ng pang-ipit sa aking buhok.


"Ako'y na nanabik na ring alagaan silang muli"
masayang wika ko habang nakatingin sa aking salamin at pinagmasdan ang aking sarili na nakapostura.


Habang nag-aayos ako ay may kumatok sa pinto ng aking silid, na siya namang pinagbukasan ni Lucia.


"Señorita, gusto raw po kayo makasama sa pagkain ng agahan nila Don  Eduardo at Donya Victoria"
sabi ni aling Delya na mayor doma ng aming mansyon.


Naguluhan naman ako akala ko ay wala sila ngayon at nasa kabilang bayan at ako lamang ang mag-iisang mag-aagahan dahil wala rin si tiya dahil maaga itong pumunta sa simbahan.


"Magandang umaga po Ama, Ina"
bati ko sa aking mga magulang na nakaupo na sa harap ng hapag.
Nanabik akong muling makasama sila sa agahan, sayang lamang dahil hindi kami kumpleto wala ang aking mga kuya.


"Natasha, maupo ka rito sa tabi ko.
Halos isang taon din tayong hindi nakapagsabay kumain ng agahan"
Umupo naman ako sa tabi ni ina kagaya ng sabi niya.
Napangiti ako habang nakatitig sa mga pagkain na nasa hapag, tinapa, tuyo at mainit na kanin at isang putaheng ulam.
Mga simpleng pagkain ngunit napakasarap.


Pagkatapos naming magdasal ay nagsimula na kaming kumain, masaya kong ikinukwento kay ina at ama ang mga karanasan ko sa Maynila.
Si ina ay nakikipagkwentuhan din sa akin na may ngiti sa kanyang labi habang si ama naman ay tahimik lamang na kumakain at nakikinig lamang sa pinagkukwentuhan namin ni ina.


"Bueno, mamaya ay tulungan mo ako sa pagluluto ng pananghalian, Natasha"
Nakangiting sabi ni ina habang kumakain kami.


Tumango si ama sa sinabi ni ina na nagustuhan ang ideya na tutulong ako sa pagluluto ng pananghalian mamaya.


"Kung may nais kayong ipabili na sangkap sa pagluluto ay nandiyan lamang si Vicente sa labas maaari ko siyang utusan at ang kasambahay natin na bumili na ngayon pa lang sa palengke"
ani ni ama at nakangiting tumingin sa akin.


"Maganda siguro ama kung kami ni ina ang tutungo sa palengke para mamili"
saad ko na ikinatuwa naman nila. Gusto ko rin na magtungo sa palengke dahil isang taon na rin simula ng makapunta ako doon.


"Maganda ang naisip mo Anak, kaya ubusin mo na iyang pagkain sa plato mo para habang maaga pa ay makapunta na tayo sa palengke"

_


Alas Nuwebe na kami nakauwi sa mansyon at agad kaming nagtungo ni ina sa kusina.
Ako ang nagluto sa Adobong manok at tinuruan naman ako ni ina kung paano lulutuin ang  Afritada. Ang tilapia naman na binili namin ay iprinito ko dahil ang sabi ni ama ay gusto daw din niyang kumain ng  pritong isda.
Pagkatapos kong magprito ay pinaakyat ako ni ina sa aking silid para ayusin ang aking sarili at magpalit ng damit dahil namantsahan ang aking kasuotan ng sabaw ng adobo.
Bumaba naman kaagad ako ng matapos akong makapagbihis at umupo sa harap ng hapag kasama si ina, ama at tiya Ana.


"Si Natasha ang nagtimpla at nagluto ng adobo, at nagtimpla sa isda at nagprito"
pagmamalaking sabi ni ina habang sumasandok ng adobo sa mangkok na nasa gitna.
Agad naman kumuha si ama ng isang tilapia at sumandok ng adobo.
Kinabahan naman ako dahil baka hindi niya magustuhan ang niluto ko.
Pinagmasdan ko lamang sila habang tinitikman ang aking iniluto,
napangiti naman ako ng aking makita na napangiti si tiya at ama pagkatapos tikman ang adobo na niluto ko.


148 YEARS GAP|JUNG HOSEOK(On-going)Where stories live. Discover now