Chapter 7: Guillier

950 84 16
                                    

*Avon's POV*

Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako ng mahiga ako kanina.

Basta nagising nalang ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ng hindi lang iisang tao sa silid.

Kinusot ko pa ang mga mata ko para alisin ang antok bago umupo sa kama ko. Kasabay naman nun ang paghawi ng kung sino sa kurtina.

Natigilan ako, lalo na at tumambad sa harap ko ang ilang Professor at Warriors namin. Napatingin din ako kay Vlad ng makitang hinawi din ang kurtina niya.

"Nagpatawag ng Meeting si Headmaster. Lahat ay kailangan pumunta." Sabi sa akin ng babaeng professor na humawi ng kurtina ko kanina.

Wala sa loob na tumango nalang ako at dahan dahang umupo sa kama. Nakita ko din na inalalayan patayo ng ilang warriors si Vlad at binigyan ng kasuotan.

Binigyan din ako ng babaeng professor at sandali niyang ibinalik ang kurtinang tumatakip sa akin para makapagpalit ako.

Napakunot ang noo ko. May banyo naman ang Clinic kaya bakit parang nagmamadali sila. Kinailangan pa tuloy naming magbihis dito ng ura urada.

Ng maayos ko na ang uniform ko ay saka ko hinawi ang kurtina. Napatingin sa akin ang babaeng professor at sandali niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"May masakit ba sayo? Kailangan mo ba ng benda? Saklay o ano pa?" Tanong pa niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi na po. Maayos naman na po ang kalagayan ko."

Tumango siya at hinawakan ang braso ko. "Aalalayan nalang kita. Ang totoo ay hindi ko inaasahang gising ka na. Pero mukhang mas ok ka pa sa kanya. " sabi niya at tumango kay Vlad.

Napatingin ako sa binata at nakita kong inalalayan siya ng dalawang Warrior sa paglalakad niya.

"Saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko ng simulan namin maglakad palabas ng silid. Nauna na sila Vlad at nakasunod kami sa kanila.

"Nasa Field na ang lahat ng estudyante. Pinatawag ni Headmaster ang lahat para sa isang anunsyo." Sabi pa niya.

Kumunot ang noo ko at tiningnan ang professor na may hawak sa akin. Pero blanko ang ekspresyon niya. At alam ko na kahit tanungin ko pa siya ay wala na kong iba pang sagot na makukuha sa kanya.

Kaya kahit naguguluhan ay nagpatangay nalang ako sa kanya.

Medyo mabagal ang pagusad namin
Lalo na at hindi pa kami makalakad ng mabilisan ni Vlad. Hindi naman umanggal ang mga kasama namin at matiyaga lang kaming inaalalayan.

Ilang estudyante din ang nakita naming pababa ng hagdan at palabas ng mga klase nila. Lahat sila nagbubulungan at parang wala din silang kaide-idea sa mga nangyayari.

Ilang beses din na napapatigil sila sa tuwing makikita kami ni Vlad. Pero imbes na ismid o pangungutya sa mahinang kalagayan namin ay purong paghanga ang nakikita ko.

Well... Sa part ni Vlad, OO. Halatang halata ang paghanga ng mga kapwa namin estudyante sa kanya. Marahil ay nabalitaan nila ang mga nagawa niya.

Ngunit sa oras na babaling sa akin ang mga tingin nila ay napapalitan iyon ng pagdududa. May pailan ilang din ngumigiti sa akin at nakikita ko sa kanila ang pagkabilib sa narinig nilang kakayahan ko. Pero mas matimbang ang mga estudyanteng mapagduda.

Sama sama kaming lumabas ng Administrator's building at pumunta sa malawak na field sa silangang bahagi ng Academy.

Halos lahat ng estudyante ay naroon at maging ang buong pamunuan ng Academy.

May maliit na tila stage sa harap nun at base sa pagkakaangat ng lupa ay alam kong isang Earth controller ang may gawa nun. Nasa itaas nun ang mga Professor namin habang nasa field ang mga estudyante.

Fate of DarknessWhere stories live. Discover now