Chapter 6: Companion

1K 74 15
                                    

*Avon's POV*

First I'm in the dark.  Then..  Bit by bit...  Ay nanumbalik na ang pakiramdam ko.

Hanggang sa magawa kong makaalis sa kadilimang bumabalot sa akin.  At magawa kong imulat ng dahan dahan ang mga mata ko.

Sandali pang nanlabo ang paningin ko.  And I can't seems to focus on anything. 

I close my eyes again and wait for a minute.  Then I took a deep breath and try once again.

At ng muling magmulat ang aking mga mata ay nagawa ko ng makita ng malinaw ang kisame sa harap ko.  At ang mga kurtinang nakapaligid sa akin. 

Sandali pa kong naguluhan bago bumalik sa alaala ko ang mga nangyari.

Naestatwa ako sa pagkakahiga ko at parang tumigil ang pagtibok ng puso ko ng maalala ang mga nangyari.

Ilang segundo din siguro bago ko nagawang makahinga ulit.  At ng tumino tino na ang utak ko ay saka ko sinubukang umupo. Medyo napangiwi pa ko ng magprotesta lahat ng muscle ko. At daig ko pa ata ang nabugbog sa sakit ng katawan ko.

Huwag mo munang pilitin.  Magpahinga ka muna.

Narinig kong sabi ni Xiuh sa loob ng isip ko.  Napatingin ako sa ruby bracelet ko bago ako muling humiga.

I'm sorry.

Dagdag pa niya at parang kumirot ang puso ko sa nahihimigan kong tono niya.  Malungkot siya at halatang pinagsisisihan nya ang ginawa niya.

Wala kang dapat ihingi ng tawad.  Tama lang ang ginawa mo.

Sagot ko sa kanya. Hindi naman na siya nagsalita pero ramdam ko pa din ang bigat ng loob niya.

Gusto ko pa sana siyang kausapin ng may marinig akong nabasag.  Napakislot ako sa kinahihigaan ko at mabilis na napabaling sa pinanggalingan ng ingay.

Kasunod niyon ang isang ungol.  Na tila ba nahihirapan ang sinuman.

Dahan dahan akong umupo.  Medyo sumakit pa ang katawan ko pero tiniis ko yun. Inalis ko din ang kumot na bumabalot sa akin at umupo sa gilid ng kama. 

Sandali pa kong tumigil at huminga ng malalim para pawiin ang sakit na nararamdaman ko. 

Hinintay ko din na mahilo ako ngunit ng hind mangyari yun ay saka ko dahan dahang tumayo at inabot ang kurtinang nakapaligid sa akin.

Hinawi ko iyon at tumambad sa akin ang pamilyar na itsura ng Clinic.  Walang laman ang karamihan sa mga kamang nandoon at tanging ang kama ko lang at ang kama malapit sa pinto ang napapaligiran ng kurtina.

Maingat akong naglakad at tiningnan ang table ni Ms Kath.  Wala siya doon at purong bote ng ibat ibang gamot ang nakikita ko sa mesa niya. 

Mula akong nakarinig ng impit na daing. At ng sundan ko ang pinangagalingan nun ay nalaman kong nangagaling iyon sa kama malapit sa pinto.

Napakunot ang noo ko at nakaramdam din ako ng awa sa sinumang naroon. 

Halata kasing nahihirapan siya. Muli kong tiningnan ang mesa ni Ms Kath bago ako muli bumaling sa kama sa kabilang dulo ng silid.

Wala ang Healer namin kaya walang pwedeng tumulong sa taong naroon kung hindi ako.

Napabuntong hininga ko bago ko dahandahang hinakbang ang mga paa ko.  Nakagat ko pa ang labi ko ng tila manigas sa sakit ang mga hita at binti ko.  Pero huminga lang ulit ako ng malalim at nagpatuloy.  Ininda ko ang sakit dahil alam kong mas malalang sakit ang nararamdaman ng sinuman sa kabilang kama.

Fate of DarknessOnde as histórias ganham vida. Descobre agora