Chapter 6: Companion

Start from the beginning
                                    

One step at a time.  Para kong batang nagaaral palang maglakad sa bagal ko.  Medyo nagproprotesta kasi talaga ang katawan ko at maging si Xiuh ay sinabihan akong tumigil na at bumalik nalang sa kama ko. 

Pero nanindigan akong tutulungan ko ang sinumang nasa kamang yun. Muli siyang umungol at base sa daing niya ay masasabi kong malala nga ang sakit na nararamdaman niya.

Tumigil ako sa tabi ng kurtina na nakapaikot sa kama niya.  Medyo nagalinlangan pa ko nung una bago ako tumikhim at iparating sa kanya ang presensya ko.

"Ahem... P-paumanhin ngunit wala ata si Ms Kath.  May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Sandaling wala akong narinig na sagot sa kanya bago siya nagsalita.

"Y-you should be resting." Ang tanging sagot niya.

Napakunot ang noo ko ng makilala ko ang boses.  Hinintay ko pa siyang magsabi ng kailangan niya pero wala na kong narinig sa kanya kundi ang langitngit ng kama niya at mahinang daing niya.

Alam kong sinusubukan nyang kumilos pero halata na nahihirapan siya.  Ganun pa man ay ayaw niyang humingi ng tulong.

Nagdalawang isip ako kung pababayaan siya o ano.  Pero parang inuusig naman ako ng konsensya ko sa isipin palang na iiwan ko siya.

Kaya against my better judgement ay hinawakan ko ang kurtina. 

"Tutulungan kita....sa kung ano man ang kailangan mo. Papasok na ko."pagpapaalam ko pa.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil hinawi ko ng bahagya nag kurtina at pumasok doon.

Agad na tumutok ang mga mata ko sa basag na baso sa sahig.  Pagkatapos ay kay Vlad na nahihirapang abutin ang kung ano man sa taas ng mesa katabi ng kama niya.

Sandali rin akong natulos sa kinatatayuan ko lalo na at nakita ko na puro benda ang katawan at braso niya.  May benda din siya sa ulo niya. At nay nakikita kong bahid ng dugo sa dibdib niya dahil siguro sa ginagawa niyang pamimilit na kumilos.

"Sandali." Mabilis na sabi ko ng makahuma ako at dinaluha siya.  "Huwag ka munang kumilos. " sabi ko sa kanya at hinawakan ang balikat niya.  Pagkatapos ay maingat ko siyang pinabalik pahiga sa kama niya.  Nakarecline naman ang ulong parte niyon kaya parang nakaupo na din siya sa posisyon niya.

Nakasalubong ang mga kilay niya at halatang iniinda nya lang ang sakit na nararamdaman niya.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko pa at binawi ang kamay ko sa mga balikat niya.

Sandali niya kong tiningnan bago bumaling sa mga bote sa ibabaw ng mesa.

"Y-yung kulay asul na bote.  K-kailangan ko nun... " sabi niya at napahugot ng hininga.  Nasapo din niya ang dibdib niya na para bang nahihirapan siya.

Mabilis na kinuha ko ang boteng sinasabi niya at ibinigay sa kanya.

"Heto... " sabi ko sabay abot sa kanya ng bote.  Kinuha naman niya iyon at ininom agad ang laman nun.  Pagkatapos ay pumikit siya at tumahimik.  Ibinaba din nya ang kamay niyang may hawak ng bote sa kandungan niya.

Kitang kita ko ang pagtitiis niya.  Medyo mabilis din ang paghinga niya at parang pinagpapawisan siya.

Wala sa loob na umupo ako sa gilid ng kama niya at tahimik na pinagmasdan lang siya.

Maya maya ay bumagal na ang paghinga niya hanggang sa tila nasa normal na iyon.  Nawala din ng bahagya ang pagkakakunot ng noo niya at medyo umaliwalas ang mukha niya.

"Vlad....  Ayos ka na ba? " nanantyang tanong ko sa kanya. Hindi ko maiwasang tingnan ang dugo sa benda niya.

Huminga muna siya ng malalim bago dumilat at tumingin sa akin.  Parang bigla naman akong nailang lalo na at tumino na sa isip ko na wala siyang suot na pangitaas.

Fate of DarknessWhere stories live. Discover now