Chapter 3: Two Souls

Start from the beginning
                                    

"I remember that." Sagot niya. "Kaya niyang gamitin ang kakayahan natin in a way na magpapalabas siya ng pang-attack skills.  Na para bang bubuksan nya lang ang sarili niya at gagamitin ang mga kapangyarihan natin para umatake sa kalaban.  But she can't absorb our power inside her.  Gaya ng ginagawa natin sa kakayan ni Shiela.  Once it touched us, Our power absorbed it and mixed it.  Kaya lumalakas tayo kahit kakaunti lang ang kapangyarihang hinahatak natin sa link. "

"Exactly." Sabi ko sa kanya. " Kaya nagdesisyon si Clynne na isa isa tayong mageksperimento.  One by one kailangan nating kumunekta sa kanya.  Para mahanap natin ang pinaka-'tuned' sa kapangyarihan niya. Maging ikaw...  Walang epekto sa kanya." Nagaalangan na sabi ko.

Napatango siya.  "Dahil hindi iyon ang "Epektong" kaya kong iinvoke sa kanya. " sagot niya.

"Yahh.  I know that now.  But the point is..."

"You are." Agap niya sa sasabihin ko.  "Tanging ikaw ang nakakapagpalakas sa kakayahan niya.  Ang tanging kinikilala ng kapangyarihan niya."

Dahan dahan akong tumango. "Hindi ko din alam kung bakit.  Pero kung tanging ako lang ang nakakagawa nun sa isa sa Sources.  Then maybe....", I trailed off and looked at Racquel.  "Magagawa ko din yun sa kakambal niya. "

Ilang segundo ang lumipas at wala akong narinig na komento kay Simon.  Kaya muli akong bumaling sa kanya. Nakatingin din siya kay Racquel at halata na malalim ang iniisip niya.  Maya maya pa ay tumingin siya sa akin.

"I don't think that enhancing her power right now...  Is a good idea." Sabi niya at tumayo.  Pagkatapos ay lumapit siya sa paanan ng kama ni Racquel at namulsa.  "Kanina..  Ginamit niya ang kapangyarihan niya to kill herself." Nakakasiguradong sabi niya.

Gulat na bumaling ako sa kanya.  "What?! You can't be so sure about that!  Malay mo... "

"Hindi mo naramdaman ang naramdaman ko kanina Xavier." Putol niya sa akin at seryosong tumingin sa akin. "I was there.  Inside her consciousness. Nakita ko ang pinto ng link niya. Bukas na bukas yun at hinahayaan nya lang na kumawala ang kapangyarihan galing dun. Sinubukan ko siyang tulungang isara yun.  Pero hindi niya ko hinahayaan.  Kaya no choice...  Pinalabas ko yun sa kanya gamit ang sariling kakayahan ko.  So now tell me...  If it's not an attempt suicide...  Then what did you call that?" Hamon niya.

Hindi ako nakasagot sa kanya at tumingin nalang kay Racquel.  Nanumbalik din sa akin ang nangyari kaninang umaga.  Ang nakita kong trato ng mga kaHouse ko sa kanya.  Hindi man nila lantarang sinasabi ang mga panunuya nila sa kanya ay alam kong halatang halata naman yun sa paraan ng pagkakatingin at pagiwas nila sa kanya.

"It's too much for her." Nausal ko.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nagbuntong hininga si Simon.  "Yes.  And without my sister.  She's still lost."

"How can we help her then?"

"First..  Subukan nating tulungan siyang hindi patayin ang sarili niya.  Then...  "He trailed off at tumingin sa akin.  "Protektahan natin siya mula sa ibang magtatangkang saktan siya.  Emotionally and physically."

Napapangiting napailing ako sa kanya.  "Parehong mahirap gawin."

"Pero hindi imposible." Mabilis na sabi niya at ibinalik kay Racquel ang tingin niya.

Napabaling ako sa kanya at pinanatili naman niya ng mga mata niya sa dalaga.  "Why?  Bakit mo gagawin yun sa taong naging dahilan ng pagkawala ng kapatid mo?  Hindi ba dapat ay sinisisi mo siya gaya ng iba? "

Malungkot na napangiti siya. "I can't blame her.  Dahil alam ko sa sarili ko na wala siyang kasalanan.  I know my sister..  At alam kong sarili niyang desisyon ang magpaiwan sa Chasm para sa ikaliligtas ng marami.  It's just unfortunate na bumagsak ang sisi kay Racquel.  Isa pa..  Alam kong ito din ang gusto ni Sallie.  Na protektahan ang kakambal niya.  Their souls are bonded.  Therefore...  In a way...  She's also my sister. And I.." Sabi niya at tumingin direkta sa akin.  "Will protect my sister. At all cost. "

Fate of DarknessWhere stories live. Discover now