~***~

Dumating ang weekend at saka pa lang kami nag-empake ni Cali. Sabi ni Mommy, overnight lang naman daw kami roon so small backpack lang dala ko. Hindi rin naman ako magsu-swimming so di ako nagdala ng bathing suit. Si Cali lang yung pinaghanda ko kaya nakasimangot na naman siya.

"Cairish, Caleiah, let's go!"

Napairap na lang ako nang marinig si Mommy. Binilisan ko na lang ang pagpasok ng mga damit at saka sinara ang bag ko.

"Let's go na, Cali!" Hinila ko na ang kakambal ko pababa.

Nagdala kami ng driver at van ang gamit namin. May bodyguards ding nakasunod, courtesy of the Del Rio. 

Napailing na lang ako. Over naman kasi, no.

Nasa pinakalikod kami ni Cali nakaupo habag sina Mommy nasa second seat sa likod ng driver. Mommy was making calls habang si Daddy, tulog yata. I just plugged in my airpods and leaned my back on the backrest.

Mahigit dalawang oras din yata hanggang tatlo ang biyahe namin bago nakarating sa resort. I was sleeping the whole ride kaya pagkadilat ko at bumungad sa akin ang arc ng resort. Dire-diretsong pumasok ang sasakyan namin. Napakunot pa ang noo ko nang makita ang mga naka-park na sasakyan doon.

Nag-park lang ang driver namin tapos ay bumaba na rin kami.

Nakagat ko ang aking labi at napatanga sa mga taong nasa harapan namin. Shit. Bakit ang dami naman yatang invited?

Agad akong umangkla kay Cali at sabay kaming naglakad palapit sa mga tao. Nag-gi-greet na sina Mommy at Daddy.

Hindi ko pa nakikita sina Des. Mga pinsan lang niya na hindi naman ako close. Everyone was talking to someone. OP na OP kami ni Cali.

"Gosh. Ano ba yan. Wala tayong kakilala," bulong ko kay Cali. 

Hindi sumagot si Cali.

Ngumuso ako.

Pinakilala rin naman kami ni Cali nina Mommy pero di ko naman bet yung mga anak ng mga family friends daw namin. Hindi nga namin kilala ang mga iyon.

Busy na busy silang lahat habang kami ni Cali ay nasa gilid lang at nakatingin lang sa mga tao. I fished out my phone and looked at Des' text earlier. Ito yung boarding pa sila.

"O ayan na pala ang birthday boy, pañero!"

Sabay kaming napalingon ni Cali nang marinig iyon. Pumarada ang isang itim na SUV sa harapan namin. Agad na nagsilapitan ang ibang malalayo. Para kaming mga fans dito na naghihintay sa pagbaba ng idol namin.

I guess kaya rin sila nag-stay pa rito para salubungin sina Tito.

Nakagat ko ang aking labi.

Lumabas ang driver nila at binuksan ang pinto ng second seat.

Unang lumabas sina Tito at Tita, huling lumabas si Des. Napanguso ako nang makita ang ayos niya. He was wearing a beige shorts tapos white polo na naka-open ang 2 bottons sa taas. Naka-converse siya at naka rayban sunglass. His hair was messy.

Ang gwapo ng loko.

Kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit agad na nagsilapitan ang mga babaeng halos kaedad lang din yata namin. Looks like he's close to them na. Oh well, I think naman kasi schoolmates na sila sa Clarke tapos palagi pa silang nagkakasama sa mga gathering.

Ngumuso na lang ako. 

Nagkumustahan sila at kung ano ano pa habang kami ni Cali ay ni hindi gumagalaw sa kinatatayuan namin. Gosh. We look like a freak here. Ang tagal naman kasi nilang magkumustahan di ba?

School of Law #1: Burdened (COMPLETE - TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now