Tumigil siya sa paghalik sakin at deretsong tumingin sa mga mata ko. Bakit ganon? Wala akong maramdamang hiya? Nasasalubong ko pa ang mga tingin niya.

"Nagugustuhan na ba kita?" bulong niya sa may labi ko. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay nararamdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa labi ko habang nagsasalita siya at nababaliw na yata ako dahil gustong-gusto ko 'yon. Gusto ko ang pagdidikit ng balat namin. Gusto kong manatili kaming ganito kalapit sa isa't isa.

Ngunit nang maalala ko ang tanong niya ay biglang nanlaki ang mga mata ko.

"A-Anong... sabi mo?" tama ba ang narinig ko?

Ngumiti siya ng matamis, ramdam ko pa rin sa mga labi ko. Halos naduduling na ako pero pinagsawalang-bahala ko 'yon.

"Ang sabi ko..." ginalaw niya ang labi niya sa labi ko pataas, "Nagugustuhan na ba kita?" hinalikan niya ako sa noo. "Naguguluhan na ako.. Dapat si Grace ang iniisip ko dahil siya ang girlfriend ko, pero bakit puro ikaw ang naiisip ko?"

Sa tuwa ko ay naipulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at mariin siyang hinalikan na natatawa man ay mabilis niyang tinugon.

"Gusto kita..." I said in between our kisses. "Gustong gusto kita.." Mahal kita..

Tumawa siya habang magkadikit pa rin ang mga labi namin at hindi ko naiwasang mapaungol ng mahina dahil nag-vibrate 'yon sa labi ko.

"I know, Zoey. I know.."

He kissed my lips again and stopped after a minute.

"Matulog ka na." mahinang sabi niya pero pinau-ulanan niya pa rin ng halik ang buong mukha ko.

"Pinapatulog mo ba talaga ako?" natatawa kong tanong.

He chuckled. "Good night kisses."

Natawa na naman ako sa sinabi niya. "Good night kisses, huh?"

Kumindat siya at nahiga sa tabi ko saka pumikit.

Magiging akin ka kaya? Pero mahirap umasa sa isang katulad mo, Ricci...

"Lumabas ka na. Baka abutan ka dito nila Micaella." sabi ko saka pinisil ang ilong niya. Napakatangos!

"No.."

"Tsk, labas na." sabi ko at pinisil ulit ang ilong pero hinuli niya ang kamay ko.

"No..parang batang sabi niya at sumiksik sakin. Ang ulo niya ay nakasandal sa dibdib ko habang ang mukha niya ay nakatapat sa mukha ko.

"Kulit.." natatawang sabi ko saka ko pinatong ang kamay ko sa may braso niya at tiningnan siya habang nakapikit. Deretso akong nakahiga sa kama habang siya ay pa-gitna ang higa.

"Oh my gosh!"

"SPG!"

Gulat akong napatingin sa may pinto at nakita ko si Dannielle at Micaella na nakatakip sa mata at bibig nila ang mga kamay.

Tinapik ko si Ricci sa balikat kaso mukhang tulog na yata.

"Ricci. Ricci, ano ba? Nandito na sila Dannielle. Pumunta ka na sa kwarto mo."

"Nooo.." mabahang sabi niya at mas sumiksik pa sakin, nakapikit pa rin. Parang bata!

Hindi ko na siya pinilit pang lumabas at nahihiya ako kila Dannielle.

Forced Marriage - COMPLETEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن