I don't know but I hated him, pero habang tumatagal parang sincere naman siya, pero kasi parang noong nakaraan lang nagdedate sila ni Chesca tapos bigla-bigla na lang nagiging sweet sa akin?

Nakakaconfuse! I want to know if it's only an act. I have this feeling that we have a connection with each other before. If I could just turn back the time and check if we met in the past.

Huminga ako nang malalim at bumangon kinuha ko ang aking cellphone sa sidetable.

Maybe, I was just thinking too much. I should call my father, then. Siya na lang din kasi iyong kulang.

"H-Hello?"

"Uhm, yes? Who is this?" Papa replied in monotone voice.

"Papa..."

Narinig ko ang pagkasamid sa kabilang llina.

"A-Ariane?!"

"Opo..."

"Anak, tumawag ka! Kumusta ka na? Miss na miss na kita, anak-"

"Pa... can you please calm down?" mahinahon kong pakiusap.

Narinig kong bumuntonghininga siya sa kabilang linya. "Okay..."

"I miss you, Pa. I really want to see and hug you. Can you please come home?"

"Anak, I miss you so much, I'm sorry for leaving you..."

Ano ba talaga ang nangyari ba't nagkahiwalay sila ni Mama? They're not even divorced either.

"Ariane?"

"Yes, Pa! I'm sorry, I spaced out."

"How's your relationship with Jace?"

Natigilan ako sa tinanong ni Papa.

What about him?

Tumikhim ako kahit na kabado. "W-What about him... Papa?"

"Nothing... Ba't parang ninerbiyos ka yata, Ariane?" panunuya ni Papa sa kabilang linya.

Napangiti ako. This felt so nice, even we're just talking via call.

"Wala naman po!" maagap kong sagot.

"Nanliligaw ba?"

"Uhm... I don't know. Baka joke niya lang 'yon..."

"Mabait naman na bata si Jace, anak. Alam mo ba 'yon? Just don't rush things," malumanay niyang paalala.

Kilala niya si Jace? Sumibol sa akin ang alaala noong unang pagkikita namin ni Jace. Kaya ba ganoon na lang ako ka nerbiyos noon? I really don't get it!

"Papa, hindi naman po... and besides kakakilala pa lang po namin... Papa naman, e."

Tumikhim si Papa bago nagsalita ulit. "Saan kayo unang nagkakilala?"

"Sa school po noong nakaraang linggo nga lang kami nagkakilala, e. It feels like you know him very well, Papa. I got curious tuloy," paliwanag ko sa kanya habang nakatingala at nag-iisip.

"Reistre and Prama were good friends."

Tumango ako kahit hindi naman nakikita.

"Papa?"

Tumikhim siya. "What's wrong?"

"Ba't po kayo naghiwalay ni Mama?

Walang sumagot sa linya kaya nagpatuloy ako. "Ano po'ng nangyari?" kalmado kong tanong.

"Long story anak... I'm sorry, I still can't explain it to you. I love your mom so much, pero mayroon lang talaga kaming hindi pagkakaintindihan."

"Ganoon ba katagal ang misunderstanding niyo at inabot ng maraming taon..."

"Kahit magkahiwalay kami ng mama mo, lugar lamang at hindi ang mga puso namin."

Hindi ko alam, pero gusto kong ngumisi at asarin siya dahil may ganito pa lang side si Papa.

"Ang totoo niyan ay nagdesisyon kaming maghiwalay pero alam mo ang mas nakakatawa? Wala ni isa sa amin ang pumayag na magfile ng annulment. Maybe, we just need time and space."

Mahal na mahal ko ang mga magulang ko at bilib ako sa kanila dahil kahit ilang taon pa 'yan ay hindi sila naghanap ng iba, naghiwalay sila pero hindi sinubukang maghanap ng iba.

I adore my parents so much.

"I understand po. Maghihintay pa rin ako, Papa..."

"I'm really sorry, anak. Kulang pa ang sorry ko sa tagal ng panahon. Sana ay patawarin mo ako, pasensiya sa pagiging makasarili ko-"

"Pa, I'm sorry din po. You don't have to apologize, I fully understand but I need explanation soon... I love you so much and I miss you..."

"You're such a kind and understanding, anak. I'm so glad I have you... you act like a grown woman now."

"Thank you, Papa. I'm lucky to have you too but, Pa, I'm still young, 17 years old pa po ako."

"Time flies so fast. Parang dati karga-karga lang kita ngayon may manliligaw ka na, dalaga ka na talaga..."

Napailing na lang ako.

Hindi niya alam na hindi mabait ang Jace na iyon. Siguro dati ay oo, pero kapag naalala ko noong mga nakaraan ay parang tumataas talaga ang blood pressure ko sa kaniya.

"Take care always, anak. Don't worry kaunting panahon na lang."

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking luha, agad ko itong pinalis bago huminga nang malalim at sumagot. "I love you, Papa." Ibinababa ko na ang tawag at inilapag ang cellphone sa sidetable.

Matagal akong nakatulala sa kisame nang abutin ko ang wallet ko sa gilid at binuksan iyon.

There's a photo of someone inside it.

Isa rin siya sa mga importanteng tao para sa 'kin kaso masyado naman yata akong mababaw kung hindi pa rin ako makapagmove-on, e, sa internet ko lang iyong nakakausap.

But I realized it doesn't matter.

It doesn't matter where you met that someone as long as he's treating you good and making you feel special... everything will fall in its right place.

I'll always miss those people who're owning a special place in my heart.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now