CHAPTER ELEVEN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mr. Jang, get out of my office now, habang mabait pa ako. Dahil kapag nagtagal pa kayo rito ay sisiguraduhin kong pupulutin kayo sa palayan ng anak mo."

Hindi na naka-angal pa ang dalawa. Mabilis ang mga itong sumibat paalis ng may galit na mababakas sa mukha. Hindi ko na pinagtuonan pa ng pansin ang mga ito. Binalingan ko si Jennica na ibinababa ang paperbag na hawak at kampanteng naupo sa sofa habang mariin ang titig na ipinupukol sa akin. Tinabihan ko ito at hinawakan ang kamay.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at manghang tinitigan ito. "You look so damn hot, babe."

Pakiramdam ko pa'y nagkaroon ako ng boner sa ipinakitang ugali niya kanina. I didn't know that would turn me on. Damn.

Tinaas nito ang isang kilay sa akin at piningot ang tainga ko. Napakislot ako.

"Aray! Fuck! Honey, bitawan mo!!" Reklamong daing ko habang marahang hinahawakan ang kamay nito paalis sa tainga ko.

"Bagay iyan sayo! Bakit andito iyong babaeng 'yon ha? Ang kapal ng mukha niyang hawakan ka! At ano, ginugusto mo naman, ha?" At lalo nitong pinanggigilan ang pagkakapisil sa tainga ko.

"Ouchh!" Daing ko ngunit hindi ito nakinig.

Ramdam ko ang paghapdi ng tainga ko at ang pamumula ng buong mukha ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o patuloy na mapapa-daing sa sakit ng pagkakahawak nito sa tainga ko.

Habang abala siya ay mabilis ko itong hinarap at siniil ng halik na nagpaalis ng kamay niyang nakapingot sa tainga ko.

"There. Yun lang pala ang katapat." Ngumisi ako.

"Tse!" Umirap ito at umusog palayo sa akin.

Nilapitan ko naman ito at mas hinapit palapit. Hinalikan ko ang gilid ng leeg nito at dinampian rin ng halik sa kaniyang sentido. Nagpupumiglas pa ito ng kaya hinawakan ko siya sa baywang para hindi na makagalaw pa pausog.

"I love you." Masuyo kong sambit. Napansin ko ang pag-nguso nitong pinipigilan ang pag-angat ng mga labi.

So cute.

Nangingiti kong sinilip ang laman ng paper bag at nakitang mga tupperware iyon na may lamang pagkain.

"Wow! Did you cook for me?" Nakangiti kong tanong at tumingin sa kaniya.

Nanliit ang mata nitong pinigilan na naman ang sumusupil na ngiti sa labi. Tumango siya na mas nagpalaki ng ngiti ko.

"Argh. Wag mo ng pigilan yang ngiti mo, honey."

Niyakap ko ito at hinalikan sa tuktok ng ulo.

"Ang sweet naman talaga ng mahal ko.." At malambing kong saad.

Sa wakas ay ngumiti na rin ito at ginawaran ako na matamis na halik sa mga labi. Lumalim pa ang halikan namin ngunit agad nito iyong pinutol.

"Honeyyy..." Reklamo ko.

Tumawa naman ito at tinampal ang binti ko. "Magtigil ka nga! Nasa office mo tayo."

Inilapit ko ang mukha sa kaniya at nagtaas-baba ang kilay. Hinaplos ko ang hita nitong natatakpan ng kaniyang dress na suot at bahagya itong nililis.

"We can make-love on my office table, babe.. Ila-lock ko lang ang pinto at pe-pwede na tayong gumawa ng milagro dito." Pilyo kong bulong.

Namula ang mga pisngi niya at marahang sinampal ako. Tumawa ako sa kaniya at niyakap ito. "Just kidding."

"Bwisit ka Tyron!"

HINAYAAN KONG magtrabaho muna si Tyron habang naghihintay sa oras ng tanghalian. Pinapanood ko lang ito at paminsan minsan ay titingin siya sa gawi ko at ngingitian ako. Halos maloose ang garter ng panty ko sa ganda ng mga ngiti nito.

Natapos ang isang oras na ginugol ko ang sarili sa paggamit ng cellphone. Nawala lang ulit ang tingin ko sa gadget na hawak ng mapansin ko ang pagtayo ni Tyron mula sa kaniyang swivel chair.

"Let's eat?" Anito.

"Okay."

Hinanda ko ang mga nasa paperbag, at nagtungo naman si Tyron sa maliit niyang kusina na nasa gilid ng office niya. Kumuha ito ng isang plato, at isang pares ng kubyertos.

"Isa lang? How about me?" Takang tanong ko rito.

Ngumiti lang siya at siya na ang nagsalin ng mga pagkain sa pinggan, pagkaupo nito.

Nagulat ako ng itutok ni Tyron sa bibig ko ang kutsarang may lamang kanin at ulam. Sinubo ko ang pagkain at naramdaman ang pamumula ng pisngi ko.

"You blush." At tumawa ito. Umirap lang ako sa kaniya at hindi pinansin ang pang-aasar niya.

Natapos ang pagkain namin ng sinusubuan niya ako. Nagkekwentuhan rin kami tungkol sa mga planong gagawin sa mga susunod na araw na wala itong trabaho.

"Honey.." Pukaw niya sa akin.

Tinignan ko ito. "Hmm?"

"Mag-resign ka nalang kaya sa work mo? Kaya ko namang buhayin kayo ng mga anak natin." Anito na nagpagulat sa akin.

Tumagal ang titig ko rito at kalaunan ay napabuntong hininga ako.

"Hmm.. Can you give me a little time to think? Pag-iisapan ko ang sinabi mo but that doesn't mean na papayag ako."

Tumango siya at ngumiti. "Yes, ma'am. That's okay to me."

--

a/n: Wooohh self, wag kang tamarin please. Kagabi ay nakaisip ako ng bagong kwentong isusulat (Dear Diary). and I temporarily liked updating there instead of here. Jusmiyo! Paano ko pa ba mapaghahati hati ang utak ko.

Anyway, tatapusin kona agad itong story. Tingin ko ay less than 5 chapters nalang. Excited akong sumulat sa Dear Diary e, argh. Get a grip self!

Bachelor Series Book 1: Beautiful Punishment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon