Chapter Four

10 0 0
                                    


Kasalukuyan ako ngayong nag hahanda para sa magiging lakad naming ni Ella. Napa isip naman ako kung tama ba yung naging desisyon kong sumama sa kanya.

"Noel ano kaba, tutulungan mo siya dahil huling araw niya na ito." Sabi ko naman sa aking sarili

Huminga ako ng malalim at nag amba na sanang umalis ng mapansin ko ang aking diary.

Napagtanto kong hindi ko na ito nabasa pang muli mula nung dumating dito si Ella. Binuksan ko ito at napa isip. Napa isip ulit ako kung isusulat ko ba si Ella sa aking diary.

"Bat ko naman siya isusulat? Eh uuwi na nga siya bukas, baka nga hindi ko na siya muling makita pa." pagkukumbinsi ko sa sarili ko

Pero aaminin kong ang pagdating ni Ella ay nakapag bigay sa akin ng halo halong emosyon. Mga emosyong hindi ko pa naramadaman.

"Ano ba tong nararamdaman mo Noel? Siguro dahil ngayon ka lang may nakasamang babae ng ganito ka tagal. Siguro yun nga yong dahilan" Sabi ko naman sa aking sarili at huminga na nang maluwag tapos lumabas na sa aking kwarto.

Paglabas ko nakita ko si Ella nag hihintay sa may sala na nakatalikod mula sa aking direksyon. Naka suot siya ng maong na shorts at white crop top.

Bat ang lakas ng tibok ng puso ko? Tila bang gusto ng lumabas ng puso ko sa aking katawan. Parang huminto ang aking mundo ng dahan dahan siyang tumingin sa aking direksyon. Tila bang siya lang ang nakikita ko nung mga oras na iyon.

"Oh Noel kanina ka pa ba diyan?" At dun ako natauhan. Tila bang nakabalik ako sa totoong mundo.

"ha? Ah, kararating ko lang" sagot ko sa kanya

"ahh, so ano tara na?"

"Sige" sabi ko ng nakangita sa kanya

Sabay na kaming lumabas ng bahay at pumasok sa aking sasakyan

"So saan tayo mauuna?" Tanong niya sa akin

"Daan muna tayo sa farm saglit." Sagot ko sa kanyang tanong

Naging tahimik naman ang aming biyahe papunta sa aking farm, hindi ko alam pero para bang ang lalim ng kaniyang iniisip.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya habang nag mamaneho

"ha? Oo naman, bat mo naman iyon natanong?"

"Napansin ko lang kasi na parang ang lalim ng iniisip mo"Sagot ko naman sa kanya

"Ah wala to, iniisip ko lang ang meeting ko sa susunod na araw." Sagot niya

Pagkatapos non hindi na muli kami nagkibuan hanggang sa dumating kami sa aking taniman

"Wow, ito ang taniman mo?" Sabi niya na may halong pagkamangha, tumango na lamang ako bilang pag sagot "Ikaw ha di mo man lang sinabi na big time ka pala." Dagdag pa niya na may halong pang aasar

Hindi ko alam pero napatitig lang ako sa kanya. Dun ko napansin na balik nanaman siya sa kanyang masayahing sarili. Bat kailangan mong mag panggap na masaya.

"Ah, Noel tara na?" Tanong niya na tila bang nahihiya dahil sa mga titig ko

"Ah sige tara ipakilala kita sa trabahador ko dito"

Naglakad kami patungo sa aking mga trabahador at itinour ko na rin siya sa aking farm. Pinakilala ko naman siya agad kay Mang Lino ng makita koi to.

"Mang Lino ito nga pala si Ella, Ella ito si Mang Lino ang punong tagapagmahala dito sa aking farm" pagpapakilala ko sa kanila

"Hi po Mang Lino." Magalang na pag bati ni Ella "Mabuti naman po at nakatagal kayo dito kay Noel eh ang sungit nito." Dagdag pa niya. Tiningnan ko naman siya ng masama.

A Memory of You (Short Story)Where stories live. Discover now