Chapter Two

8 0 0
                                    

Ng dumating na kami sa aking bahay hindi naman tumigil si Ella sa kakapuri kung gaano daw ka ganda ang aking bahay.

" Grabe ang ganda naman ng bahay mo. Nga pala saan ako dito pwede matulog? Pwede naman ako dito lang sa sofa eh" Sabi niya.

"Ang kwarto mo nasa taas yung malapit stairs dun ka nalang matutulog." Sabi ko naman.

"Talaga? Ang gara naman daig ko pang nasa hotel."

"I just don't want someone nosy okay? Let me have my own space and I'll let you have yours. At baka maka survive tayo ditong magkasama"

"Okay, I'll let you have your own space, but where would be our space?" tanong niya

"Our space? Walang ganun."

"Ouch! Nasaktan naman ako dun." Dagdag niya

"Alam mo puro ka biro, tara na nga punta na tayo sa kwarto mo." Suhestiyon ko sa kanya

"Opo kamahalan" sinamaan ko nalang siya ng tingin dahil sa kanyang sinabi.

Nang naka akyat na kami sa kwartong kanyang tutuluyan ay napamangha siya muli.

"Ang ganda naman ng kwartong ito. Mas malaki pa ito sa kwarto ko sa aking condo." Mangha niyang pag sabi

"Sige maiwan na kita ng makapagpahinga kana"

Nang tumalikod na ako, mabilis naman niyang hinawi ang aking braso para mapatingin ako sakanya

"teka lang" sabi niya

Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng aking puso ng mahawakan niya ang aking braso. Para bang ang tagal ko nang hinahanap ang kanyang mga dampi

"Gusto lang sanang sabihin na salamat talaga sa pagpapatuloy mo sa akin dito." Nakangiti niyang sabi sa akin

Tumango lang ako at dumiretso na sa aking kwarto. Pag dating ko sa aking kwarto napa higa agad ako at napaisip sa mga nangyari.

Bakit ganon ang aking naramadaman ng mahawakan niya ang aking braso? Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon, daig ko pa ang hinabol ng aso.

Hindi ko alam kung ano ba yung naramdaman ko at itinulog ko na lamang iyon.

Nagising naman ako ng may kumatok sa aking pinto. Hindi ko namalayang gabi na pala. Ang sakit pa ng ulo ko ngayon

Pagbukas ko ng pinto bumungad naman sa akin si Ella

"Ah sorry naka estorbo ba ako sa pagtulog mo? Gusto ko lang sanang ayain kang kumain." Sabi niya

"Sorry gabi na pala hindi ko namalayan, hindi pa ako nakapag luto man lang." sabi ko naman sa kanya

"Nako wag kang mag alala, nag order na ako ng pizza." Dagdag niya

"Hindi mo naman kailangan pang mag order, kung gusto pwede ka namang mag luto diyan. Marami naman akong stock."

"Talaga? Hay salamat naman, gusto ko na sanang mag luto kanina eh, pero nahihiya ako baka magalit ka kasi nakialam ako." Na gulat ako sa sinabi niya, nahihiya pa pala siya sa lagay na ito.

"Sige, hindi na muna ako kakain, medyo masakit kasi ulo ko." Totoo naman ang sinabi kong masakit ang ulo ko pero wala rin kase ako sa mood bumaba at kumain pa

"Bakit mas sakit ka ba?" nilagay niya naman ang kanyang kamay sa aking ulo

"Wala naman ah, uminom ka naba ng gamot para sa sakit ng ulo?" Tanong niya sa akin

"Hindi na itutulog ko nalang ito." Sagot ko sa kanya

"Sigurado ka?" tumango nalamang ako sa kanyang naging tanong sa akin at isinirado na ang aking pinto at natulog na ulit

Medyo nahuli na ako ng gising kaya nagmamadali na akong nag handa dahil kailangan kong pumunta sa aking taniman ngayon.

Nung pababa na ako napansin kong maingay sa aking kusina. Nakita ko naman si Ella na nag luluto dito.

"Gising ka na pala. May lakad ka? Teka lang malapit ng matapos itong niluluto ko." Sabi pa niya. Hindi ko siya pinansin at didiretso na sana ako sa taniman

"Teka! Mag almusal ka muna, magugutom ka niyan." Sabi niya

"No need. Hindi ako gutom at nagmamadali ako." Sagot ko naman sa kanya

"anong no need alam mo bang almusal ang pinaka importante na pagkain sa buong araw. Kaya tara na, wala naman sigurong mawawala kung kumain ka kahit saglit lang." sabi niya.

Wala na akong nagawa kasi mukha namang hindi niya talaga ako palalabasin ng bahay hanggat hindi kumakain.

Aalis n asana ako ng bigla niya ako tawagin ulit

"Teka dito kaba mag lulunch?" tanong niya

"Hindi dun nalang ako sa aking taniman and you don't have to do this." Sagot ko naman sa kanya

"Ang alin?"

"Acting up like my wife. You can stay here for free but you don't have to do all of this" Sagot ko sa kanya

"Alam mo pwede ha, I like you suggestion" Sinamaan ko naman siya ng tingin sa sinabi niya. "Ito naman di mabiro, nasanay lang kasi akong ganito sa amin kaya sorry na."

Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na sa aking taniman

Pagka uwi ko galing sa taniman, napahinto ako sa sala dulot ng mabangong aking nasisimot galing sa kusina. Kaya napapunta naman ako agad sa kusina dahil dito.

"O andiyan kana pala. Sakto tapos na itong niluluto ko." Sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin at kumuha na agad ng plato para kumain.

"Oy, teka lang hindi ka pa nagdadasal." Sabi niya. Tiningnan ko nalang siyang pumikit at sinumalan ng magdasal.

"Lord salamat po sa pagkain na nasa aming harapan ngayon. Sana po masarapan si Noel dahil pinaghirapan ko po talaga ito. Lord salamat po talaga dahil sa napakabuting puso ni Noel na pumayag na patirahin ako dito sa bahay niya. Lord sana po pagpalain niyo pa po ng lubos si Noel. In Jesus Name, Amen." Dasal niya.

Sa buong oras na nagdadasal siya hindi ko mapigilan ang mapangiti sa mga pinagsasabi niya. Linagyan niya ako ng kanin sa aking pinggan at nag simula na akong kumain.

Hindi ko maitatanggi na napakasarap talaga ng kanyang niluto. Dagdagan mo pa na ang paborito kong menudo ang kanyang niluto.

"Masarap ba ang niluto ko." Tanong niya.

"Uhm, medyo maalat." sagot ko kahit na ang totoo ay napakasarap niya talagang mag luto.

"Talaga?" tinikman naman niya agad ang kanyang niluto "Hindi naman eh, ang sarap kaya ng luto ko"

"Siyempre ikaw nag luto eh, dapat ka talaga masarapan." Sagot ko naman sa kanya

"ahh talaga ha" kinuha naman niya ang pinggan ko pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Teka teka san mo ilalagay yan?" tanong ko sa kanya dahil papunta siya sa trash can

"Eh diba sabi mo hindi masarap, edi itapon nalang natin." Sagot niya. Tumayo naman agad ako para kunin yung pinggan ko

"Wag na kakainin ko nalang to." Sabi ko nang makuha ko iyong aking pinggan.

"Akala ko ba hindi masarap?" Tanong niya na para bang nang aasar

"Pagod ako at gutom kaya mapapagtiyagaan nato." Sagot ko naman sa kanya.

"If I know sarap na sarap ka sa niluto ko" Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.

Busog na busog ako nang matapos na akong kumain. Mukhang naparami yata ako ng nakain ah.

"Hindi daw masarap pero halos maubos yung ulam." Pang aasar niya sa akin

"Gutom lang ako galing kasi ako sa taniman." Pagtanggi ko sakanya

"Edi gutom napaka defensinve mo naman, sige ako na bahala dito." Sabi niya at dumiretso na ako sa aking kwarto.

A Memory of You (Short Story)Where stories live. Discover now