Chapter Three

9 0 0
                                    

Nung pababa na ako mula sa aking kwarto na pansin kong paalis na yata si Ella

"Uhm Aalis muna ako pupunta muna ako ng bayan at lilibot nalang din. Nakapag luto na pala ako diyan ng almusal. Kaya kumain ka nalang." Sabi niya ng nakangiti at umalis na.

Napansin kong mukhang naglinis yata siya dito sa aking bahay. At may note pa sa aking almusal. "Smile :)" sa hindi ko alam na dahilan napangiti ako dahil dun. Pagkatapos kong kumain dumiretso na ako ulit sa taniman.

Medyo napaaga naman ang pag uwi ko nung araw na iyon dahil hindi rin naman busy sa taniman

Pagdating ko sa bahay napansin kong nakauwi na si Ella dahil nadun na iyong bag niya sa mag couch. Hindi ko siya nakita sa loob ng bahay kaya nag taka ako.

Hinanap ko siya at nakita ko siya aking garden, linilinisan niya ito at mukhang nag tatanim nalang din. Mukhang kakaiba talaga itong babaeng ito. Lumabas naman ako at nilapitan siya.

"Sino naman ang nagsabi sayo na pwede mong paki alaman yan ng walang sabi sa akin." Sabi ko na ikinagulat naman niya.

"Ikaw naman grabe ka nagulat ako dun ha akala ko kung ano na ang meron sa likod ko." Sabi niya

"Alam mo itong mga tanim mo nalalaya na kaya naisipan kong diligan dahil sayang naman kung mamatay sila. Alam mo bang katulad rin ng mga tao ang mga halaman, dapat mo itong inaalagan at prinoprotektahan." Sabi niya na nagpailing nalang sa akin.

"Pati ba naman sa halaman? Hindi ka ba talaga mawawalan ng sasabihin?" Tanong ko sakanya

"Che, sige na magluluto pa ako." Sabi niya

"Talaga?!" hindi ko naman naitago ang saya sa na aking naramdaman

"Excited?" nginitian naman niya ako ng masama "Wag papahalatang nasarapan sa niluto ko"

"Hindi ah, gutom lang talaga ako."

"Sige kunwari naniwala ako." Sagot niya at dumiretso na sa kusina. Sinundan ko naman siya sa kusina

"So anong lulutuin mo ngayon?" tanong ko

"Adobo naman ngayon" sagot niya sa naging tanong ko

"Talaga? Akala ko pa naman menudo ulit" saad ko na mahahalata mong may bahid ng lungkot sa tono

"Paborito mo talaga ang menudo noh? Wag kang mag alala masasarapan ka rin sa adobo ko" sagot niya

"Sige bihis muna ako." Sagot ko sa kanya at dumiretso na sa aking kwarto

Pagdating ko sa aking kwarto namili agad ako ng aking susuotin. Hindi ko mawari pero parang gusto kong mag mukhang pormal sa harap niya. Gusto kong mag mukhang pormal pero yung hindi niya mahahalata.

"Ano ba Noel, si Ella lang yan bisita mo. Nasa bahay ka lang naman eh. Bakit mo kailangan mag handa ng ganito" Saad ko sa aking sarili

Nag sando at shorts nalang ako, pero nag perfume naman ako at nag toothbrush pagkatapos. Nung palabas na sana ako sa aking kwarto, napansin ko ang aking diary.

Napaisip ako kung kailangan ko bang isulat na si Ella dito sa aking libro. Hindi ko rin kasi alam kung kelan aatake ang sakit ko.

Gusto ko ba talagang maalala si Ella? Kahit sandali palang nung nakilala ko siya?

"Noel wag, hindi rin magtatagal si Ella dito. Bukas o sa makalawa ay aalis na rin siya. At mamumuhay ka na ulit ng matiwasay" Pagkukumbinsi ko sa aking sarili

Hindi ko alam pero parang sumakit ang dibdib ko nung na-realize kong aalis rin si Ella. Hinawakan ko ang puso ko at naramdaman ko ang bilis nito. Ngayon ko lang naramdaman to sa tanang buhay ko.

"Hindi ba't sa utak ako may sakit? Pero bakit parang masakit yung puso ko ngayon?" Tanong ko sa aking sarili. Nabigla naman ako ng may kumatok sa aking pinto.

"Noel? Noel? Tapos na yong niluto ko, kain na" sabi niya

"Sige susunod ako" sagot ko naman ng hindi binubuksan ang pinto

Napapikit na lamang ako at sumunod na sa baba para kumain.

"Ang tagal mo naman yatang nag bihis." Sabi niya nung dumating na ako sa hapag kainan

"Ahh, may tumawag" Pagsisinungalin ko sakanya

"Talaga? Sino naman" Tanong niya

"Wala, Hindi naman iyon importante." Sagot ko sakanya. Pagkatapos non tumahimik nalang siya at hinanda ang hapag kainan.

Hindi ako sanay na ang tahimik niya habang kumakain. Pero tama siya sa sinabi niya kanina, masarap talaga siyang mag luto.

"Kelan nga pala ang uwi mo?" Pag basag ko sa katahimikan

"Pinapauwi mo na ba ako?" tanong niya na may halong kalungkutan

"Hindi naman, gusto ko lang sana magtanong kasi napag tanto kong hindi ko pa yun alam" sagot ko naman

"Sa susunod na araw na yung flight ko pauwi."

"Talaga? Ang bilis naman ng bakasyon mo." Sagot ko

"Kailangan eh yun lang yung nakuha kong leave." Sagot naman niya

"Ano nga pala ang trabaho mo?" Tanong ko naman sa kanya

"I work in a corporate company." Sagot naman niya

"Really?"

"Bat hindi ka makapaniwala?" Tanong naman niya sa akin na may masamang tingin

"It's just that I never pegged you to be working in a corporate company." Totoo naman eh.

"So ano bas a tingin mo ang dapat na trabaho ko?" Tanong niya

"Well I see you as someone who'll be the boss of her own." Sagot ko sa kanya. "Well that was just my own opinion"

"Well I used to have my own business."

"Talaga? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya "Well if you don't mind"

"Paano nga ba?" sagot niya ng malungkot ang kanyang mga mata. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita

"May mga nangyari nuon sa akin na hindi magaganda." Pagsasaad niya habang nakatitig sa akin

"At hindi ko namamalayan meron na pala akong mga napapabayaan. At isa na dun ang business ko." Unti unti nang lumalabas ang mga tubig na nag mumula sa kanyang mga mata.

"Tapos nabalitaan ko nalang na kailangan ko nang isarado yung business ko dahil na bankcrupt na pala ako."

"Sorry dahil nabuksan ko pa yung topic na yon" pagpapaumanhin ko

"Ano kaba okay lang" Sagot niya habang pinupunsan ang kanyang mga luha

"So huling araw mo na pala bukas?" Tumango lang siya bilang pag sagot. "May mga plano ka naba?"

"Siguro mag lilibot lang ako at magpapahinga" Sagot niya sa akin

"Gusto mo bang samahan kita bukas?" Tanong ko sa kanya

"Talaga sasamahan mo ako?" Tanong niya na para bang nagulat

"Well kung gusto mo lang naman"

"Gusto, Gustong gusto ko." Sagot niya

"Sige maaga tayo bukas dahil dadaan muna tayo sa aking taniman." Sagot ko sa kanya ng nakangiti

"talaga?? Isasama mo ko sa taniman mo?." Tanong niya

"ikaw kung gusto mo lang naman." Sabi ko

"Syempre naman. Ayan ha wala ng bawian." Dagdag niya

"Sige matulog na tayo ng maaga." Suhestiyon ko sa kanya

"Salamat ha." Bigla niyang pag sabi

"Para saan?"

"Sa lahat, sa lahat ng ginawa mo para sa akin"

A Memory of You (Short Story)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum