CHAPTER 51

4.4K 124 2
                                    

VANESA POV*

"Nakakainis mas maganda naman. yung katawan ko dun eh"
Si Maricar na kanina pa nag mamaktol

"Oo nga mas may ibubuga nga tayo dun eh"
Si Yna na hindi mapigilan si Nicole dahil baka awayin nito. Hay napaka under talaga.

"Bat kasi hindi niyo pa tanggalin lang t-shirt niyo?!" natatawang sabi ko dahil kanina pa sila nagmamaktol. Malaking t-shirt kasi ang Suot nila dalawa pero alam kong naka two peice sila pag tinanggal nila yon.

"Cute yung guy na yun oh" napatingin naman ako kay Nicole na parang kinikilig at tinignan ko si Yna na hawak na ang laylayan ng T-shirt niya.

"Mas cute yung guy na yun oh" duro naman ni Alexandra sa hindi kalayuan. Natatawa ako sa itsura ng dalawa dahil halos nasa lupa na ang nguso nila.

"May sasabihin ako sainyo" Lumapit naman sila saakin pero nakatingin parin sila duon sa dalawa.

May ibinulong ako sakanila at agad naman silang sumang ayon. Bumalik yung pacool na itsura nila at dumingin duon sa dalawa.

Tignan nga natin...

Lumapit silang dalawa duon sa pwesto nila Alexandra. Nakatalikod kasi sila saamin kaya naman pinaharap nilang dalawa sina Alexandra at Nicole.

Dahan dahang hinubad ni Yna at Maricar ang malaking T-Shirt nila. Nakita kong natulala sina Alexandra at Nicole sa kaharap nila.

Bahagya akong lumapit para picturan sila at nung nagawa kona yun ay hindi parin bumabalik ang dati nilang itsura, tulala parin sila at sina Yna at Maricar ay nakangisi sa harapan nila.

"Ano ha Mas maganda yung katawan namin don" sabi ni Yna na halatang nag mamayabang pa.

"At mas malakas ang dating namin"
agad na sabi ni Maricar sa sinabi ni Yna. Natatawa akong lumapit ng tuluyan sakanila at ibinigay ko yung cellphone ko kay Yna.

Isha-shareit kasi nila yung picture na kinunan ko kanina kagaya ng plano.
Nakangisi akong nakatingin sa dalawa at sabay kopa silang nahuling namula ang mukha.

"Guys ganti ganti lang yan" nakangising sabi ko kina Alexandra na nakapag pagising sakanila. Natatawa talaga ako pag naaalala ko kung papano sila natulalang dalawa.

"E-Ewan k-ko sayo!" kunwaring naiinis na sabi ni Alexandra at tumalikod na saakin.

"T-Tsk!" tumalikod din saakin si Nicole na namumula din. Sabay ko silang inakbayan na kinabigla din Nila.

"Sa susunod wag niyo kasing pag selosin ah?" pang aasar ko sakanila at iniwan kona silang dalawa dahil may gagawin pa ako.

Tinignan ko ang oras at nagmadali akong pumunta ng kwarto namin ni Airich dahil iniwan ko siya duon, inaantok daw kasi siya at halata naman kaya iniwan ko muna.

Nang pumasok ako ay natutulog pa siya, Lumapit pa ako at inilagay ko ang daliri ko sa pagitan ng ilong at bibig niya para tignan kung humihinga pa siya.

Napabuga naman ako ng hangin dahil natutulog lang pala siya. Masyado na akong naprapraning at medyo nahahalata niya na iyon.

Kinuha ko yung atachicase na ibinigay saakin ni Ann. Kumuha ako ng isa at pagkasara ko ay saktong tumawag si Ann.

"Hi. Kamusta?"

"Para namang hindi tayo nag kita kahapon" natatawang sabi ko at lumapit kay Airich.

"Babe gising" sabi ko at marahang niyuyugyog ang balikat niya. Dahan dahan naman niyang minulat ang mga mata niya at napangiti ng makita ako, sinuklian ko naman siya ng ngiti at inalalayang umupo.

MAFIA BOSS IS MINEWhere stories live. Discover now