CHAPTER 50

4.5K 118 0
                                    

VANESA POV*

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" Nakasimangot na tanong ko sa mga istorbo naming bisita. Kanina pa nila ako pinag tatawanan pero hindi ko naman maipag tanggol ang sarili ko dahil naiinis ako sa tawanan nila.

"Nandito lang naman kami sa istorbohin ka"
NICOLE!!

"Oo nga kasi mukhang may plano ka pang humabol pag wala na kami"
ALEXANDRA!!!!

"HAHAHAHAHAHA"

NAKAKAINISSS!!!!

KUNG HINDI KO LANG BESTFRIEND TONG MGA TO KANINA KOPA PINALAYAS TO EH!!

"Bwiset!!" narinig ko naman ang mga tawanan nila kaya naman bumaba na ako dahil nakakahiya sa mga istorbong bisita dahil hindi pa pala sila kumakain.

"Oo nga pala. Mag handa na kayo ng damit niyo, good for 5 days dahil pupunta tayo sa resort namin" buti pa itong si Bea maganda kausap.

"Para saan naman?" sumunod pala siya saakin pagka labas ko ng kwarto. Papunta ako ngayon sa para ipaghanda sila ng makakain nila.

"Nag aaya kasi yung tatlo kaya no choice kami hahaha"

"Sus yung tatlo talaga na yon oo. Pero ok lang ba?" nandito na kaming dalawa sa kusina, nakaupo naman siya then ako ay nasa ref para tignan kung anong maluluto.

"Oo,hindi kona pinareserve dahil sabi ni Alexandra ay para naman may makilala naman daw si Alexander"

"Naniwala ka sakanya?"

"Hindi"

Natawa ako sa sagot niya dahil totoo naman. Alam kong pag nanasaan lang nila yung ibang mga lalake dun na naka short lang at walang mga itaas.

"Narinig ko ang pangalan ng baby ko ah" napatingin kami sa dumadating. Si Maricar pala at tumabi ito kay Bea.

"Pinag uusapan lang namin kung naniniwala si Bea na para talaga kay Alexander kaya tayo pupunta sa resort nila Bea" natatawang sabi ko at pumunta na sa kalan dahil egg, hotdog, ham nalang ang iluluto ko tutal almusal lang naman eh.

"Diba yung baby ko nag sabi na mag outing tayo? Kasama niya pang nag plano si Nicole diba?" sabi naman ni Maricar habang patingin tingin pa saaming dalawa ni Bea.

"Hindi kasi ako naniniwalang para kay Alexander talaga ito. Kilala namin yung dalawa no" Sabi naman ni Bea na parang wala lang. Hindi ko nakita yung reaksyon ni Maricar dahil nakatalikod ako.

"Ang sama niyo naman sa baby ko, hindi naman siguro ganon yun no" base palang sa boses niya alam kong nakanguso na siya hahahaha.

"Edi wag kang maniwala" simpleng sagot ni Bea. Humarap naman ako sakanilang dalawa kaya napatingin sila saakin.

"Isama natin si Ann" kailangan pa kasing magpagaling ni Airich kaya kailangan siyang isama.

"Talagang kasama ako no" napatingin ako sa dumating at si Ann pala na may dala isang Malaking Bag.

"Oh mukha ka namang naglayas ROSE ANN" natawa naman ako sa sinabing yon ni Maricar.

"Stop calling mo Rose, My name is Ann Lopez" pagtataray ni Ann kay Maricar kaya iiling iling nalang ako sakanilang dalawa at humarap na ulit sa niluluto ko.

"Kahit anong sabihin mo ROSE ANN parin ang ipinangalan sayo nila Tito no" naririnig ko ang pag pipigil ng tawa ni Bea at sure akong nakatingin parin siya duon sa dalawa.

MAFIA BOSS IS MINEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora