CHAPTER 06

7.4K 204 2
                                    

VANESA POV*

Pag baba ko ay nakita kona sila mom and dad na parang may pinag uusapan pero nung makita nila ako ay parang walang nangyari kaya hindi ko nalang ito pinansin

"Goodmorning Baby" Masayang bati nila dad sakin kaya ngumiti nalang ako sakanila at umupo sa tabi ni mom

"Ahm... Oo nga pala pupunta dito ang Family Lopez sa Friday" ngiting sabi ni mom

"Bakit daw mom?" nakita ko naman na parang kinabahan sila kaya mas lalo akong nalito

"Ahmm.....k-k-kasi" nakita kong kinakabahan si mom kaya tumingin ako kay dad

Feeling ko may problema pero hindi sila nagsasabi

"Dinner sila pupunta dito dahil pag uusapan ang pagpapakasal niyo" Agad agad na sabi ni dad na parang wala lang

P-PAKASAL?!!!!

"Pero dad kanino?"

"Iisa lang naman ang anak nila iha hindi ba?" Tumingin si dad sakin at tinignan kung ano ang susunod kong sasabihin

"Look Vanesa, Pabagsak na ang ibang negosyo natin at pag nagpatuloy to mawawala ang lahat satin. Ayokong mawala ang pinag hirapam ng lolo't lola mo dahil sakin pinama yon" ramdam ko ang pang hihinayang ni dad at ngayon ko lang siya nakitang ganito at hindi ko kaya

"At si Airich naman ang papakasalan mo eh ayaw moba?"

"Pero dad gusto kong magpakasal kami na Mahal namin ang isa't isa hindi yung mahal ko lang siya"
hindi nalang muna sila umimik kaya pinag patuloy ko ang pagkain ko

"Pero matutuloy ang dinner sa Friday at pag uusapan ang kasal namin" sabi ko at humalik sa pisngi nila

Lumabas nako ng bahay at pumunta na ng campus

Kailangan ko ng simulan ang panliligaw ko

Nag text ako kay Nicole na kailangan ko siya kaya hihintayin ko siya sa school pero nandon na daw siya

Agad akong pumunta sa Room at kita ko nga si Nicole na abala sa cellphone niya

" Oh bess ano yung sasabihin mo?"
nakita ko naman na parang naeexcite ito kaya bumuntong hininga muna ako

"Turuan mokong ligawan siya" nakita kong nagulat siya sa sinabi ko pero nanatili lang akong seryoso

"Sige akong bahala sayo at syempre kailangan natin ang 5 queen" ngiting sabi niya kaya ngimiti nalang rin ako

kailangan ko munang magpaalam sakanya na liligawan ko siya

Uwian na at hinihintay ko ngayon si Airich sa sasakyan niya

Ngayon nako magpapaalam sakanya

nakita kong palapit na siya dito pero pokerface parin ang mukha niya

Malamig at parang walang pakealam sa paligid

"Ahm..A-Airich?" tawag ko sakanya

DUG DUG DUG DUG

DUG DUG DUG DUG

DUG DUG DUG DUG

DUG DUG DUG DUG

DUG DUG DUG DUG

Kalma lang heart aamin ka lang sakanya ngayon

"Ah k-kasi m-may gusto l-lang sana a-akong itanong" nanatili lang siyang nakatingin sakin kaya nagpatuloy ako

MAFIA BOSS IS MINEWhere stories live. Discover now