CHAPTER 27

4.1K 118 0
                                    

AIRICH POV*

"AIRICH TAMANA YAN SABI EH!!" malamig ko lang siyang tinignan at nagpatuloy ulit, Pero inagaw niya ang boteng hawak ko at itinapon yon kung saan.

"ANO BA?!!" galit na sabi ko at kumuha ulit sa ref ng panibagong alak at tinungga yun, Naalala ko nanaman siya. Kasalanan ko lahat ng to eh!

2 weeks na siyang nakaratay sa ospital bef at 2 weeks kona rin nilulunod ang sarili ko dahil sa nagawang kasalanan ko, Kasalanan ko naman lahat ng yon eh! Kung hindi dahil sakin wala sana siya don!

PAK!

Agad akong napahawak sa kanang pisngi ko at pagalit na tinignan siya

"Tignan mo nga yang sarili mo! Gugustuhin mo bang makitang ganyan ka pagkagising ng mahal mo?!" Pagkagising niya? Ganito ang ayos ko? Nawala ang galit na tinignan ko siya

"Ayusin mo ang sarili mo at bantayan mo siya don!! Para pagkamulat ng mga mata niya ay ikaw ang bubungad sakanya!!" Agad  akong napaisip sa sinabi niya at ilang araw kona siyang tinitiis na hindi tignan sa hospital dahil parang sinasaksak ng ilang beses ang puso ko pagnakikita ko kalagayan niya

"Thanks Bea" Kaya siguro si Bea ang pinapunta nila dito dahil hindi na ako kinaya nung dalawa, Paulit ulit silang pumupunta dito para kumbinsihin ako pero nagmamatigas parin ako

Pagkapasok ko sa banyo ay tinignan ko ang kabuuan ko. Magulo ang buhok, Kusot kusot ang damit, Siguradong ayaw akong makita ni Vanesa sa ganitong kalagayan.

NaLigo na ako pagkatapos kong tignan ang sarili ko, Akala ko nakaalis na si Bea pero hinihintay niya lang pala ako sa living room.

"Kung ganyan ang ayos mo edi maganda rin ang paggising ni Vanesa" napangiti naman ako sa sinabi niya at pumunta na sa sasakyan niya.

Habang nasa byahe ay naisip ko nanaman ang eksenang yon, Kung papano niya iniharang ang katawan niya para lang hindi ako tamaan ng bala. Kahit hirap na hirap na siya nagawa niya paring sabihing mahal niya ako.Wala man lang akong nagawa para iligtas siya.

Hindi kona namalayang napahagulgol na pala ako kakaisip sa nangyari, Inabutan naman ako ng panyo ni Bea at agad ko iyong tinanggap.

"Ayos lang yan" sabi niya at tinatapik pa ang kaliwang braso ko dahil hindi niya ako kayang yakapin dahil nagmamaneho pa siya.

"Kasalanan ko tong lahat" mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya kaya napailing siya

"Mas gugustuhin ko pang alagaan ang mahal ko kesa sisihin ang sarili ko" agad akong napatingin sakanya dahil sa sinabi niya

"Look, pag sinisi moba ang sarili mo may magbabago ba sa kalagayan niya? Wala diba? Pag binantayan mo siya at inalagaan ay mas gugustuhin din niya yon dahil hindi ka umalis sa tabi niya sa oras na kailangang kailangan ka niya. Kailangan ka niya lalo na sa kalagayan niya ngayon pero ano tong ginagawa mo? Nilulunod mo ang sarili mo sa alak. Kung bantayan mo si Vanesa kasama namin edi mas napaaga ang pag gising niya dahil ikaw lang naman ang kailangan niya" Agad akong napayuko at parang nahihiya ako sa sarili ko, Mas pinili kong magpakalasing at magmukmok kesa samahan ang mahal ko

Napatingin naman ako sa labas ng bintana. Tama naman ang lahat ng sinabi niya, Gusto ko ring pagkamulat ng mahal ko ay ako ang makikita niya.  Sa oras na mangyari yon ay yayakapin ko siya. Hindi na bago kila Bea kung makita nila akong umiiyak dahil matagal kona siyang kaibigan at pagmabigat ang loob ko ay sakanila ako tumatakbo,Kaya nga hindi namin magawang iwan ang isa't isa dahil magkakapatid na ang turingan namin

"Tara na"agad naman akong tumango sakanya at sumama sakanya, Napapatingin naman ang ibang tao saamin pero hinahayaan lang namin sila.

"A-Airich/Airich" agad naman akong napatingin sakanilang lahat at napayuko rin

MAFIA BOSS IS MINEWhere stories live. Discover now