Nagpaalam ako kay Kenzo na pupunta sa banyo para nakapaghilamos at magtoothbruh. Paglabas ko ay nakaupo na ito sa may sahig nakahanda na din ang aming almusal.

"Anong oras ka uuwi?" tanong ko sa kanya. Muli akong nalungkot sa isiping magisa nanaman ako dito mamaya.

"After this baby? Malambing na sagot sa akin ni Kenzo. Nagtiim bagang si Kenzo ng mapansin ang pagiging malungkot ko.

Hinila niya ako palapit sa kanya. Muli akong umupo sa gitna ng kanyang mga hita. "Bakit?" nagaalalang tanong niya sa akin.

Ayoko sanang magsalita. Ayokong magmukhang clingy ba girlfriend. Ang rinig ko ayaw ng mga lalaki na clingy ang girlfriend nila.

Umiling ba lamang ako kesa sabihin ko sa kanyang malulungkot ako pag umalis siya. "Magkasama naman tayo bukas sa out reach niyo" sabi niya na ikinagulat ko.

Kaagad ko siyang nilingon. Malaki ang aking mga mata. " Kasama ka namin bukas?" paguulit ko pa na ikinatango niya.

Isa pala siya sa sinasabi ng prof namin na mga alumni ng pharmacy from college of medicine. Nawala ang ngiti ko ng muli ko siyang lingonin.

"Kasama mo ang tangina squad?" hindi pa din makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Ang alin?" nakangising tanong niya. Napanguso ako. Kasama si Lola Fidez at Andrew. Baka magaway nanaman kami duon. Naku, baka magaway pa kami ni Fidez sa harap ng mga bata.

Nakaramdam ako ng kiliti ng lunapit ang labi ni Kenzo sa aking tenga. "Hindi naman natin sila kailangang pansinin" paalala pa niya sa akin.

Pagod kong isinandal ang ulo ko sa kanyang dibdib. "Kahit naman hindi ko siya pinapansin. Inaaway pa din niya ako eh" sumbong ko kay Kenzo.

Umikot ang kamay niya sa aking bewang. "Wala ng pwedeng umaway sa girlfriend ko. Pag inaway ka ulit sabihin mo asawa na kita" sabi niya kaya naman siniko ko siya. Natawa din ang gago sa kagaguhan niya.

"Edi mas lalo akong inaway nuon. Sabihin nagiimbento ako ng kwento" pagdadahilan ko pa.

Hindi nagsalita si Kenzo. Kinuha niya ang daliri ko pinaglaruan sandali bawat daliri bago sinakop ng malaking kamay niya ang akin.

"Seryoso ako nang sabihin kong papakasalan kita after graduation mo"

Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa kanyang boses. Muli nabalot ng kung ano ang puso ko. "Baka hindi ako payagan" natatakot na sumbong ko sa kanya. Ofcourse i want to marry Kenzo. Hindi naman importante kung gaano katagal na kami. It seem fast, pero ramdam ko na what's between us is real.

Muli akong nakaramdam ng kiliti dahil sa bibig niya sa aking tenga. "Maayos naman kitang hihingin sa kanila" paninigurado niya sa akin. Mas lalo akong naiilove may Kenzo. Natatakot ako, baka hindi na ako makaahon pag nagkataon.

Hindi nawala sa isip ko ang sinasabing kasal ni Kenzo sa akin. Nakaalis na siya pero iyon pa din ang nasa isip ko. Buong akala ko ay inaasar niya lang ako kagabi nang sabihin niya iyon. Hindi ko inakala na kung anong sasabihin niya ay gagawin niya talaga.

Ofcourse i want to marry him too. Pero naisip kong baka kaya niya lang gusto iyon para tulungan akong makaalis sa poder nila Daddy. Hindi biro ang kasal, baka mamaya marealize niyang hindi naman pala talaga ako ang gusto niya.

Naggym ako nung hapon sa may anytime fitness gym malapit sa fatima. Ginawa ko iyon para mapagod ako at makatulog ng maayos sa gabi. Ilang kaklase ay pamilyar na mukha ang nakita ko duon. May ilang ngumiti sa akin kaya naman nginitian ko din sila pabalik.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now