Mas lalo akong nanliit, mas lalo akong naging parang bata para sa kanya. Napanguso na lamang ako. I should i wear a sexy lingerie or something lacy. Sinuyod ng mga mata ni Kenzo ang kabuuan kong nakadapa sa sofa.

Tinuro niya ang kama. "Matulog na tayo" utos niya sa akin. Napatingin ako sa nakasabit na digital wall clock. Magaalastso pa lang.

"Ang aga pa" puna ko sa kanya. Tumalim lang ang tingin niya sa akin.

"Higa na baby" seryosong utos pa niya muli sa akin. Namanhid ang buong katawan mo.

Wala sa sarili akong tumayo mula sa pagkakahiga. Hindi kalakihan ang kama ko kaya naman paniguradong magkatabing magkatabi kami. Umusog ako sa pinakadulo ng kaba, naramdaman ko mula sa aking likuran ang pader. Nanatili ang tingin ko kay Kenzo habang ginagawa ko iyon. Ganuon din naman siya sa akin.

Lumundo ang kama ko ng umupo siya, hindi nagtagal ay umayos din siya ng pagkakahiga. Inalalayan ko siya para umusog palapit pa sa akin, konting maling galaw niya lang ay pwede siyang mahulog.

Sa paglapit ni Kenzo ay pumatay ang mukha ko sa kanyang dibdib. Masyadong matangkad para sa akin. Nahalata niya iyon kaya naman mas lalo niyang idinikit ang ulo ko sa kanyang dibdib. Walang pagaalinlangan akong yumakap sa kanya.

"Thank you for staying" paos na sabi ko. Naramdaman ko ang malambing niyang paghaplos sa aking buhok.

"You know i can do anything for you Sera" malambing na sabi pa niya. Itinaas ko ang kamay ko para haplusin ang kanyang pisngi.

"Am I giving you a hard time?" medyo nahihiyang tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi ang biglang pagbabago ng mood niya kanina nang hilingin kong magstay siya. Ano nga naman ba ang pwedeng gawin ng dalawang tao sa loob ng kwarto. Lalo na't magkarelasyon pa kami.

Marahan siyang umiling. "We'll just cuddle and sleep. Not make love..." paos pang sagot niya sa akin. Ramdam na ramdan ko ang hirap niya.

"You mean sex?"

Nagtiim bagang siya. "Love making Sera"

Napanguso ako. Masyadong pasugar coat pa ang loko. "Sex" pagdidiin ko pa din.

Mariin siyang napapikit. Mabilis niya lamang akong hinalikan sa aking noo. Lumipat ang kamay ko sa kanyang dibdib ng mapansin ko ang mabibigat niyang paghinga.

"I want to do it with you Kenzo. Pero hindi pa ako ready..." nahihiyang sabi ko sa kanya. Dumilat siya, diretso ang tingin sa akin.

"Don't think about that Baby. Hindi naman kita iiwan kung hindi natin gagawin iyon sa ngayon. I love you..." pagpapaintindi niya sa akin. Kahit malambing ang pagkakasabi niya nuon ay ramdam ko ang awtoridad. Ramdam ko ang maturity ni Kenzo. Pakiramdam ko is akong uhuging batang inaalagaan niya pag magkasama kami.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. Pagkatapos ay inabot ko ang labi niya para halikan. "I love you" malambing na sabi ko pa din sa kanya maya naman sinuklian niya lang ang aking mga halik sa kanya.

Nakatulog ako ng mapayapa ng gabing iyon. Ramdam na ramdam ko ang presencya ni Kenzo sa aking tabi kaya naman i feel so secured. Kung pwede lang sana na araw araw ko siyang kasama.

Wala na si Kenzo sa aking tabi kinaumagahan. Napakusot ako sa aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang banyo pero halatang wala din siya duon. Bumaba ako ng kama saktong bumukas ang pinto. Medyo nagulat pa ako dahil sa biglaan niyang pagpasok. Mabilit tuloy akong napasuklay sa aking buhok. Chineck ko din kung baka may muta pa ako o tuyong laway.

Nahuli ko ang pilyong ngiti niya habang pinapanuod ako sa pagiging taranta. "Ngiti ngiti ka diyan" masungit na sita ko sa kanya.

Nilapitan niya ako at tsaka hinalikan sa ulo. "Good morning" malambing na bati niya sa akin. Hindi pinansin ang pagsusungit ko sa kanya.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now