Kabanata 7

60 3 0
                                    

        Enjoy Reading!

Kabanata 7

Nakaupo lang ako sa gilid ng sasakyan niya na hindi umiimik. Fabian is still bothered I can sense it, hindi siya mapakali kahit hindi niya ito isa boses.

"Uhm, sorry sha if I acted like that kanina, naalala lang kasi ako sa trabaho." Basag niya sa katahimikan. Inulit na Naman niya ang dahilan kanina

"Ay hindi, it's fine Fabian trabaho naman iyon. At isa pa nagpalibre lang naman kami ni gem." Sabi ko nalang.

"Kasi nakita ko lang--"

"Ano ka ba ayos lang nga." I cut him off. Kung ano man gusto niya pang sabihin.

Tumango tango naman siya. At hindi na ako nagsalita. At bakit siya mag sorry work is important to finance basic needs in life. Kaya work work work! At sino ba ako nag palibre naman kami kasi naabutan kami ng gutom.

"Ah, dito nalang ako sa may  kanto. Ihinto mo nalang diyan." Tinuro ko ang gilid kung saan pwede ihinto ang sasakyan niya.

"Are you sure? I mean dito ka magpapababa, pwede naman siguro ipasok nalang natin hanggang sa may bahay niyo Sha." He suggested.

"Naku, hindi na medyo malapit lang naman eh"

"That's why, ihatid nalang kita papasok sa inyo. Malapit lang naman."

" Hindi na talaga, tsaka nagmamadali ka diba."

Tiningnan niya ako parang na nanantya talaga.

"Oii, sige na, may bibilhin rin ako sa tindahan." Pagdadahilan ko.

" Okay, mag ingat ka nalang."

"Hindi mababait sila dito tsaka kilala na kami dito sa amin. Kaibigan kasi lahat ni papa ang mga nakatira dito noon" pagbabalik tanaw ko pa Kay papa noon. "Respetado din talaga sya noong nabubuhay pa, uh kahit din naman ngayon." Tiningnan ko siya pagkatapos.

Nakatingin din siya sa akin di ko alam habang nagsasalita ako about kay papa.

"I'm sorry to hear that Sha. It's okay you still have your mom." Mapait lang akong ngumiti sa sinabi niya.

"Wala na rin si mama eh" tawa ko pa. "Nag bakasyon na sila ni papa sa lugar na mahirap puntahan at sa panaginip lang din daan papunta."

"I am sorry. Condolences." He said.

I smiled "I can't say that it is okay kasi hindi, but life must go on diba nga. At matagal na din mga ilang years na. Kaya ikaw mag "go on" kana pauwi kasi may gagawin ka pa bruho. Bye!"

"What!?" Pero bumaba na ako.

Humarap ako muna " Salamat nga pala sa libre mo." At naglakad papasok.

Nasa may gate na ako non ng mag ingay ang phone ko. Si Fabian.

"Bakit napatawag ka agad?" Takang tanong ko dito.

"I just want to say, thank you too, sa pagsama sa pagkain kanina."

"Ayos lang libre naman. Tsaka kay gems ka magpasalamat kasi iyon ang nag aya di ako." At binuksan ko ang gate.

"Noted" he chuckled. Gosh teka bakit masarap pakinggan iyon. "So, uhm, am I forgiven Sharyn?"

Biglang kumislot ang puso ko sa paraan ng pagtanong niya.

"Forgiven mo mukha mo. Bruho ka alam mo ba ikaw palang nakagawa non sa akin." Namula ako ng naalala ko na naman. "Tapos sinigawan mo pa ako sa may humps." Sumbat ko talaga dito.

"Hey , fine I am at fault. But its my privilege anyway sabi mo pa nga ako palang." Sabay tawa.

"Aba't!--"

"But seriously Sha, I'm sorry. Really. Di ko naman sinasadya iyong.-"

"Yong ano!?" Putol ko dito subukan lang talaga nang bruhong ito kahit pa nabusog ako sa libre nito kanina.

"Yong una-, never mind " tumawa ito. "At iyong sa may gate ng kompanya medyo marami kasi akong gagawin non you know work."

I sighed.

"So please, accept my apology." He sincerely said

Napaisip ako. Di naman talaga masama ang ugali ng bruho. Mali lang talaga ang unang engkwentro namin. His kind I can affirm to that. Siguro di masyadong maganda ang una naming pagkikita pero di naman siguro hanggang huli mali na ang pakikita namin.

"Sha are you still there?" Pukaw niya sa akin.

"Fine." Labas hangin kong sabi. Mabilis na ang tambol ng dibdib ko at di ko alam kung bakit.

"Thank you." I know even we're just talking in the phone his smiling. "So, friends?"

"Oii, agad agad ka ha. Nagmamadali ka Fabian?" Biro ko pa.

"Oo naman agad agad. So I can, uhm, know you more." He said playfully. Ay bruho to, naghuhurumentado na ang dibdib ko.

Naningkit ang mata ko. Aba!

"Know your face, Fabian. Ikiskis mo din yan sa makina bukas." Bara ko dito.

Tumawa ito, "Come on Sha, friends is not that bad."

"Ewan ko sayo. Sige na magbibihis pa ako."

Tumahimik siya sa kabila.

"Oii, sige na. Bye"

"We are friends. Period.  See you around in the company miss. Night. " Biglang sabi niya at binabaan na ako ng tawag. Sumikdo ang puso ko sa paraan ng boses niya.

What the? Inuunahan ako ng bruho. At teka bakit medyo nag iba ang boses niya pagkasabi non. Parang may bumara sa lalamunan niya. He even cleared his throat before speaking.

Natigil ako sa pagiisip nang bigla ako tapunan ng tuwalya ni thian sa mukha.

"Tulala ka kasi ate eh." Kibit balikat nito.

"Gaga ka, kung tulala ang tao tatapunan mo nalang bigla. Hindi mo alam may importanteng iniisip iyong tao." Pangaral ko dito at pabiro kong sinabutan ang kapatid ko

" Eh, madali mo kasi nakukuha atensyon nila kapag ganon, kita mo nga sayo."

"Aba't sumasagot ka."

"Ate naman eh, pareho talaga kayo ni ate lyelle. Pag ako hindi sumasagot pinapasagot, pagsumasagot naman ako nagagalit kayo. Saan ako lulugar niyan." Damdamin niyang sabi.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Bigla itong lumayo at ngumisi.

"At tsaka sino ba iniisip mo, masyado ba iyong importante na hindi mo ko mapansin sa harap mo. Aba ate, ako nagbibigay ng tuwalya mo pag uwi tapos mas importante iyang iniisip mo. Di ka naman binibigyan ng tuwalya niyan pag uwi mo ah." May pa tampo effect pa ang gaga.

"Ano ba pinagsasabi. Na high ka ba sa thesis mo?"

Umiling lang ito at tumakbo pa kusina, habang tumatawa. Nagsisimula na ang kabaliwan ng bunso. Tsk.

"Baliw!" Sigaw ko dito. Pero hindi ito sumagot.

At importante ba ang iniisip ko? Hindi no, isa lang namang bruho na namimilit na maging mag kaibigan kami. I don't know I got disappointed because of that. Bakit kaibigan lang?

I mean, madami naman siguro siyang kaibigan na lalaki at pwede babae, right. Baka nga ang babae ay di lang niya naging kaibigan. Marami naman siguro kahit bugnutin mukha non.

Ay bahala siya. Tinext ko nalang si gem na nakauwi na ako nag tanong din kasi ito. At pinaratangan pa ako ng bruha ng kung ano ano, at Kung ano pa daw ginawa namin ni Fabian pagkaalis niya. May saltik talaga sa utak.

Nakwento ko ang tungkol sa gustong pakikipagkaibigan ni Fabian. Sabi ni Gems masyadong pahalata si Fabian, na di ko maintindihan.

Pero kalaunan bumibigat na ang talukap ko.

I just drifted off thinking about the word "friend" and "fine".

---

Medyo natagalan to babies.lol

We should make peace to our friends.

Yours,
vmornxx 💕

GiGuba ( Shattered Sharyn )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon