35.) Epilogue 01

48 2 3
                                    

"Hindi pwede.

Masasaktan ka lang ulit.

Hindi ka parin ba napala sa dalawa at may balak ka pang sundan ng isa.

Nasaktan ka na sa selos kahit wala kang karapatan. Kaya tinanggap mong maging magkaibigan nalang kayo. Tapos na nakamove-on ka kahit hindi naging kayo.

Minahal ka naman nung isa. Kaso nung nahulog ka saka mo lang nalaman ang mga kalokohan na ginagawa niya. Sa nadaling salita nagpakatanga ka sa apat na buwang pagsasama niyo. Pero tinggap mo nalang ulit at kinalumatan na naman.

Tapos ngayon? Sinisiksik mo na ulit sa isip mo ang salitang "magmahal muli?" hindi ka pa ba nadala sa mga pinagdaan mo sa dalawang yun? Visse naman, Please learn from your mistakes. Naging echapuwera ka na nga at naging tanga, wala ka paring dalang magmahal? Eh kung dinaan mo sa pagkain yan katulad ni Mikie? Edi sana hindi ka nasasaktan noon? Edi sana walang tangang visse? Walang extra sa relasyon nila raphael at pauline? Diba? Kaya wag mo nang subukan ulit. Masasakatan ka na naman."

-ISIP NI VISSE

"Oo Visse! Nasaktan ka noon. Pero part talaga ng pagmamahal yun, hindi lang kasi puro pagmamahal. May pagkakataon talaga na masasaktan ka ng dahil lang sa pagmamahal! Hindi porket nasaktan ka noong dalawa mong minahal eh ibig sabihin ay hindi mo na ulit pwedeng subukang nagmahal ulit. Oi, pwedeng sakit ang idinaranas nito sayo. Pero kahit gaano pa yun kasakit. Walang wala yan kapag nahanap mo talaga ang taong karapatdapay sayo. At this time, baka siya na yun. Bakit hindi mo subukan muli? At kung babagsak ka edi bangon. As simple as that. Ganyan talaga kapag nagmamahal. At tatandaan mong part talaga ng love ang masaktan. At  doon nito papatunayan kung gaano ka katatag na tao. Sa lahat bg pagsubok na darating sayo fight lang!

-PUSO NI VISSE.

Nagtatalo ang isip at puso ko kung magmamahal akong muli.

Lahat naman talaga ng tao nasasaktan. Hindi tayo binibigyan ng mga problemang hindi nasusulusyonan. At ngayon, susubukan kong buksan na muli ang puso ko para sa ibang taong minamahal ako at mamahalin ko rin. Tao lang rin naman ako na nasasaktan at naloloko, wala naman kasing perpekto. Malay natin, sa pagkakataong ito tamang tao na ang mamahalin ko. Siyang siya ang itinakda sakin. May Destiny man o wala, may Forever man o wala, matuto parin tayong magmahal.

Love MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon