31.) Telling The Truth

26 2 0
                                    

Nakakamiss din pala si James.

Sana kasama ko siya dito ngayon.

Ewan ko ba kung bakit ako biglang nakaramdam ng pagkamiss sa kanya.

"Hey Babe. Tara Kain Tayo." Isang boses ng lalaki na pamilyar sa akin.

At dahil doon, nilingon ko kaagad ang pinanggalingan ng boses.

Nakita ko si..

Si..

Si JAMESSSS? O.O

At ang masama pa dun..

MAY KASAMA SIYANG IBANG BABAE!

Unti unting tumulo ang luha ako. Nanginginig sa gulat at galit. Nakakainis. Sino yung babae? At bakit niya tinawag na 'Babe'? Gulong gulo na ako. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ako kaya tinignan kong mabuti ang itsura ng lalaki. Hindi hinding talaga ako nagkakamali. Nakita ko si James Akbay akbay niya yung babae. Masaya pa silang nagtagawanan. Mas sweet pa ata sa langgam. Hindi na ako nakapagpigil, at sinugod ko si James at ang Babae.

Hinugot ko si James.

"James!? Ano to? Anong ibig sabihin nito? Letse ka! Sabi mo magbabakasyon ka lang? Pero ano 'to? Anong kagaguhan 'to? Ano? Sabihin mo!?" Hindi ko na napigilang umiyak ng umiyak habang sinisigawan siya.

"Wait, Visse. Let me explain. Calm down please. Pinagtitinginan na tayo dito." Mahinahong sabi naman ni James habang pinakakalma ako.

"Who is she babe?" Pagtatakang sagot naman ng babae.

"Sino ako? Ako lang naman yung Girlfriend ng Lalaking Nilalandi mo!"sabi ko habang tinuturo ko yung sarali ko at si James.

"Huh? Anong pinagsasabi nito James?" Tanong ng babae kay James.

"Look, Visse. I'm Sorry. Sasabihin ko na talaga ang totoo." Sabi ni James.

"Anong Totoo? Ano? Naguguluhan Ako!"punong puno na ng galit, lito, inis, at sakit yung dibdib ko. Halos basang basa na ng luha ang mukha ko dito.

"Sa lahat ng naging pagsasama natin noon. Lahat yon... DARE lang. Gusto kasi ng mga barkada kong iGf kita pansamantala. Sorry! Ang totoo niyan may Girlfriend talaga ako. Yung 'totoo' kong mahal. Nasa ibang bansa kasi siya during school days. So? Wala siyang alam dito. At wag mo siyang sisihin sa mga nangyayari. Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Siya yung Girlfriend ko. *Turo dun sa Babae* Alam ko hindi mo na talaga ako mapapatawad. Pero Visse. Sorry Talaga! Hindi ko sinasadyang mafall ka." Sabi sakin ni James.

Sa sobrang inis ko..

*PAAAAAK*

"Eh Gago ka pala eh! Sana noon mo pa sinabi! Sana hindi na ako nafall at nagmukhang tanga kahihintay sayo! Bwiset Ka! Manloloko Ka! Paasa kang hayop ka! Walang hiya kaaaaa!" Mga salitang nasabi ko habang humahagulgol na sa pagiyak habang sinusuntok si James.

Hiyang hiya na ako. Napakaraming tao dito. Nagmukha akong tanga!

Sa lahat ba naman ng napagsamahan namin!? Puro yon isang MALAKING KALOKOHAN LANG!? NAKAKAINISSS.

Walang kaimik imik ang babae, siguro alam niyang ako ying babaeng dinare ng walang hiya ng Boyfriend!

"Sorry ulit Visse. Hindi ko sinasadya talaga. Sorry, sorry." Sabi ni James.

Sa sobra kong pagiyak, nanghina ako ng nanghina hanggang sa naramdaman kong napikit ang mata ko at tumumba.

-

©NIGHTOSPHEREQUEENIE❤

Love MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon