32.) 2 months ago

29 1 2
                                    

2 months ago,

Nakalimot na ako sa mga nangyari, nung una masakit talagang tanggapin na yung taong una kong minahal ay isa palang malaking kagaguhan ang lahat ng iyon. Niloko, sinaktan, pinaasang babalikan niya ako. (Binalikan nga buhat naman ng isang masakit katotohanan ang nadatnan ko.) Pero lahat ng iyon ay unti unti nang naghilom. At ngayon, sa wakas. MOVE ON na ako. MagVavalentines na nga pala. :)

"Uyy Visse? Kamusta na?" Bati sakin ni Raphael.

Oo, siya nga. Simula nung nasaktan ako hindi na ulit humanap ang mga mata't puso ko. Kasi sabi ng isip ko: 'masasaktan ka lang ulit.' Tahimik na ulit ang puso ko, khit kay Raphael ay wala narin akong nararamdaman. Masaya na sila ni Pauline. Sana nga'y hindi na sila magkahiwalay. Dahil masakit talaga ang masaktan. (syempre, sino ba naman ang tatawa matapos masaktan!? Baliw nalang yun)

"Ayos lang naman. Eh ikaw?" Sagot ko kay Raphael.

"Okay lang din." Tumabi siya sa kinauupuan ko, nandito kasi kami sa park ngayon. Ewan ko ba kung bakit siya napadpad dito.

"Nga pala, nabalitaan ko yung nangyari sa inyo ni James."

Oo, Matagal na nga yon, pero ngayon lang kasi kami nagkita ni Raphael eh.

"Wala na 'yon, Okay na ako."sabi ko at ngumiti. At hindi pilit (Move on na nga eh!)

*beep beep*  (ringtone)

"Ah, wait lang Visse ah. Tumatawag si Pauline."tumango lang ako at lumakad siya ng ilang hakbang palayo para sagutin ang tawag.

After 5 minutes..

"Ah Visse? Mauna na ako ah? May pupuntahan pa pala kami eh. Bye!" Tumango lang ulit ako pagsabi niya at umalis na ito.

Lumalakad na rin ako pauwi. Malapit lang naman kasi ang bahay namin dito sa park, kaya naglakad lang ako.

Habang naglalakad ako, may isang lalaking nakahelmet na huminto sa tabing kalsada na malapit sa kinatatayuan ko. Nakita kong may inaabot siya sakin envelope. At kinuha ko naman at agad agad siyang umalis. Hala? Ano yon? Monggoloid ba yon? Hindi ko nalang pinansin at tumingin ako sa nakasulat sa envelope. May nakita akong nakasulat, 'For you Visse. Kindly please read. Thankyou! -V' Huh? Sino nanaman to? Stalker? Sus.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makauwi ako ng bahay.

Pagpasok ko ay dimiretso agad ako sa kwarto ko kaya hindi ko alam kung sino ang mga tao sa bahay ngayon. :D

Pagpasok ko nalg kwarto, agad agad ko namang binuksan ang sobre habang nakaupo ako sa kama ko. Ang laman ng sobre ay isang sulat. Handwritten pa talaga. Ang nakalagay/nakasulat dito ay:

Hello Visse! Oo alam ko hindi mo ako kilala, pero sana wag mong babalewalain ang sulat na ito. Gusto ko lang namang lumabas ka ng bahay niyo mamayang  4:00PM. At tumingin ka sa langit. Kung gusto mong malaman kung sino talaga ako. Salamat sa pagbasa nito. :)

Yan yung nakasulat. Ano ba yan? Kailangan ko ba talagang lumabas mamaya? Nakakatamad kaya. Gusto ko lang matulog eh!

-

3:30PM

*Kringgg* *Kringgg*

Ano ba yan? Ang ingay naman.

*Yawn* nga pala sinet ko yung alarm ng 3:30PM :D Hahaha.

After 25 minutes lumabas na agad ako ng bahay. Oh diba? Excited lang ang peg ko? Hahaha.

Paglabas ko ng pinto may natitira pang 2minuto bago mag 4PM.

Maya maya pa ay may narinig akong paputok galing sa langit at habang may nagpapaputok doon, may nakita akong nakasulat sa langit.

"HI LOVISSELLE ANNE VELLA! I LOVE YOU! From: ?"

Maliit yung name na nakasulat eh. Pero sobrang naapreciate ko ito. Habang nakatingin ako sa langit, ewan ko ba pero nakaramdam ulit ako ng saya at tuwa na may iisa pa palang lalaki na kahit hindi ko nakakasama ay nageeffort ng ganito!

Love MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon