33.) Who's Vincent?

50 1 0
                                    

Titignan ko pa sana ng mabuti yung nakasulat na 'from?' Pero dahil maliit lang ang pangalang nakalagay, mabilis din itong naglaho. Kaya hindi ko na nakita ang nakasulat. Maya maya pa ay pumunta na ulit ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang Cellphone kong kanina pa ata tunog ng tunog. At pagbukas ko, 5 new message. Binuksan ko naman ito at nakita kong nagmessage sila Yuie, Mikie, Viankie, Nami, At Julie.

Yuie:

"Hoy Visse? Nakita ba yung nakasulat kanina dun sa langit?"

Mikie:

"Oy, May New lovelife ka pala ah. Di nagsasabi!"

Viankie:

"Hey girl? Who's Vincent?"

Nami:

"Ang cute naman ng nakasulat kanina, para sa'yo pa talaga yun ah! Yieee, so kilig!"

Julie:

"Hoy? Hoy Visse? Nakita mo ba yung nakasulat kanina? Ikaw ah. Effort naman ng gumawa nun para sa'yo!

So? Vincent pala yung name nun? Ang linaw naman ng mata nila at nakita pa nila yun. -____-

Nireply ko naman sila.

Send to many: (5)

Reply ko:
"Mga loko kayo, hindi ko nga kilala yung 'Vincent' na yun eh! Grabe naman kayo."

Pagkatapos kong isend sa kanila yun, nagbukas ako ng laptop. At tinignan ko yung Fb ko. May 1 Message lang at 30 notifications.

Hindi ko na pinansin yung notif at dumiretso agad ako sa Messages. Si V.S. Hyun pala. Isa pa 'to eh! Hindi ko rin kilala. Parang si James din. Mystery nung una. -,-

Tinignan ko naman yung message niya.

"Hi Belle!? Sana natanggap mo yung letter ko sa'yo. Sana nakita mo yung sinulat ko sa langit, at kung nakita mo man yun. Sana wag kang mailang sakin. Kasi totoo talaga yun."

Huh? So, Siya pala yung nagpadala ng letter at nageffort pa.

-
"Huy Visse? Sino yung Vincent na yun?" Tanong sakin ni Nixie.

"Hindi ko rin kilala eh, basta friend ko sa Fb." Sagot ko naman.

"Weh? Posible namang hindi mo kilala yun?" Pagtatanong niya ulit. Ito pala'y ayaw maniwala eh. Sabagay, kahit naman ako hindi rin maniniwala. :3

"Hay nako, eh kasi naman nagmemessage lang siya sakin sa fb no. Hindi ko talaga siya kilala promise!" Sabi ko kay Nixie at nagpatuloy na ako sa paglalakad sa campus.

--

After few months, baksyon na at hindi pa nawawala sa isip ko ang pagtataka at pagiisip kung sino nga ba si Vincent? Sabi nila "if you can't get someone off your mind, maybe they are supposed to be there." -Ganon? Hindi ba pwedeng curious lang? :3

Oo, nagchachat kami paminsan minsan. Pero still, hindi ko pa siya nakikita. Tinry ko naman istalk yung fb nito kung ano itsura pero bigo ako. Walang kahit na anong picture niga ang nasa timeline nito. Puro pictures ng mga company nila sa korea. Baka mamaya eh, matanda na pala 'to. Landi naman ni lolo. -_____-

*beep beep* (message tone)

From: Yuie

"Hi , I will pick you guys up later sa park! Summer na so it means Swimming time na. Sama kayo ha! Haha, Init kasi eh no? Sorry guys. Hot ko kase eh. :p -Gm."

Reply Ko:

"Simula nung nabasa ko ang text mo gininaw na ako. -___-  Humangin kase eh!"

Himala, hindi man lang nagchachat or nagtetext si Vincent.

Dumiretso muna ako sa banyo para maligo. Excited ba? Hindi ah. Nakakabored lang. :p

Pagbukas ko ng pinto ng banyo...

"Waaaah, Letseeee Kaaaa!"

Love MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon