Chapter 14 Midnight-Zoro-Luffy-Alloida

1.2K 64 0
                                    

 Chapter 14 Midnight-Zoro-Luffy-Alloida


***MEG POV***

MARAHAN kong pinunasan gamit ng kamay ang tumutulo kong pawis. Whoa! Napagod ako sa kakalinis ng bahay na ito. Ang kalat kasi. Superb!

"Naging malinis rin sa wakas!" sabi ng katabi kong lalaki. Sino pa ba? E di si Crush! May ngiti sa mga labing humarap ako sa kanya.

"Oo nga e! Salamat dahil tinulungan mo ako." ^__^

Hindi pa nga nakakatagal itong pagtitig ko sa kanya, bigla na lang siyang nag-iwas ng paningin sabay ngiti. Kinamot niya gamit ng isang daliri ang nananahimik niyang pisngi. Weird! Wala namang dumi.

"You're welcome... Masaya ako dahil... hindi kita naabala..." Tipid siyang ngumiti.

O///O

Ang cute ng smile kahit pilit lang!

Muli akong napangiti at tinitigan siya lalo. Saan ka ba makakakita ng ganitong uri ng tao? Gwapo na nga, ubod pa ng bait! Hindi ako nagsisisi na nagka-crush ako sa isang tulad niya.

>///<

Sana... magka-boyfriend ako ng isang tulad niya... Ang kasing bait at kasing gwapo na tulad niya. Parang nasa heaven na ako kapag nagkataon.

Maybe it's you....

You're the one I Iove...

You're the one I need...

You are the only one I see...


Naikurap ako ng ilang ulit ang mga mata ko matapos marinig ang tonog na iyon. Sinundan ko ng tingin ang kamay ni Jared my crush. He's now holding a phone tapos itinapat iyon sa kanyang tainga ngunit bago iyon, senenyasan niya muna ako. Na parang nagpapaalam.

Hmm... para saan naman ang paalam mode na iyon? E hindi naman kailangan... Tsk! Parang ang sarap batukan itong sarili ko. Nag-iisip ako ng mga bagay na sobrang imposible!

"Hello?... Ahhhh... charm... bakit ka nga pala napatawag?"

Charm? Sino ba yon? Girlfriend niya? Aray naman! >__<

"I'm at Brendon's place.... Why?..." kumunot ang noo niya sabay titig sa akin.

May problema kaya?

"Okay... Don't worry... I'll go there..." he suddenly off his phone and put it on his pocket. Kimi siyang ngumiti.

"Aalis ka ba?" ?__?

Obvious naman e, pang-goodbye kaya ang ngiti! Ang bopols ko! >__<

"Yes..."

"Bakit?" >__<

For sure, katatagpuan niya ang nubya niya! May Charm siya e!

"May problema lang kasi..."

Nakaramdam ako ng lungkot. Sa gwapo ba naman ni Jared, natitiyak kong hindi siya mawawalan ng syota. Ako lang naman itong nag-wi-wish na sana magkaroon ako ng boyfriend na kagaya niya...

"Mukhang hindi kita masasaman this time." Ngumiti siya sa akin na para bang nag-aalangan.

Wala naman akong magagawa. Sapat na sa akin ang magka-crush sa kanya.... Sapat na iyon. Ang makita siyang masaya ay sapat na....

Nagpakawala ako ng isang ngiti. "Okay naman yun..." ^__^

Pansin ko na napatitig siya sa akin. Buti na lang hindi siya nagsasawa sa kapangitan kong taglay. Umatras ako ng bahagya para naman makadaan siya. "Mag-ingat ka." ^__^

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon