Chapter 39 TAO o MULTO

1K 57 0
                                    

Chapter 39 TAO o MULTO


***MEG POV***

"THE next person that will go inside the horror house... PANGET of RDRC." Pagkarinig ko ng codename ko, nakaramdam ako ng labis-labis na kaba at panginginig ng mga tuhod ko.


Ahhhhhhhh! Ako na, turn ko na! T___T


"Meg, kaya mo yan." Marahang sabi ni crush. Nakangiti siya sa akin, iyong ngiting nag-aalala.


Ang tanong, kaya ko nga ba? Papasok kaya ako sa loob ng nakakatakot na bahay na ito. Kanina maganda, ngayon naman ay hindi na. Puno kasi ng mga nakakatakot na designs.


Bakit kasi ako pa ang mapalad na nakabunot nun? Bakit ako pa?! Huhuhuhuhu! T___T


Naguguluhan ba kayo? Kasi ganito yun. Bago pa man kami makasali sa katatakutang larong ito, nagbunutan muna kami.

*****************


***FLASHBACK***

***MEG POV***

"ANO pa ang ginagawa mo diyan Meg? Magsisimula na tayo." tawag sa akin ng ka-clanmate kong si Silly girl. Liezneth ang tunay niyang pangalan.


Naalala niyo pa ba siya? Isa siya sa mga tumulong sa akin nang inapi ako ni Brendon the sungit, nang una akong makapasok sa school.


"Magsisimula saan?" takang tanong ko. Wala kasi akong ideya sa mga pinagsasabi niya.


"Nakalimutan mo na? Bago dumating ang midnight, lima sa atin ang makakasali sa DEAD NIGHT, at ang iba naman ay magiging multo kuno."


"H-ha?"Multo daw? Paano naman yun? "H-hindi ko maintindihan." >____<


"Aish... basta, sumunod ka na lang sa akin." =__=


"S-sige." kagaya nga ng sinabi niya, sumunod ako sa kanya.


Sa kakalakad namin, nakasabay namin ang iba pa. Pati na ang EDRC members. Ang dami nga e. Umupo na kami sa upuang naka-assign sa amin. Separate nga pala kami, nasa kabilang panig sila.


Nasa naman harap namin ang mga founder at co-founder ng magkabilang panig. Each of them is holding their microphones.


"Good evening everyone, dear RDRC and EDRC members. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. We're locking out of time." *Vevien


"Kagaya ng nakaugalian na, we will be having a scary night. Ten members will participate, five persons every CLAN." *Sweetmag


"May ipapamigay kaming bowl. Pakibunot na lang." Nakangiting sabi ni Jared. Yung iba nga ay parang mahihimatay sa smile niya.

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon