Chapter 47 Heartache

989 51 0
                                    

Chapter 47 Heartache

***MEG POV***

(Sa tingin ko, nag-aalangan kang sagutin yung crush mo dahil may nangunguna na sa puso mo. Siya yung gumagambala!)

Iminulat ko bigla itong mga mata ko. Naalala ko na naman kasi ang mga sinabi kanina ni Gemma. Kung kahapon, yung sinabi ni Jared ang gumambala sa akin, ngayon naman ang mga binitiwang salita ni Gemma.

Aish! >__<

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ng unan, baka sakaling hindi ako makahinga para makatulog ako kaagad. Kaso... humihinga parin ako. >__<

Pilit kong ipinikit ang mga mata kaso hayun na naman ang boses ni Gemma.

(Kung sino ang mas lamang, meaning don ka may gusto... Ay mali pala, mahal mo na yong tao....)

Napabangon ako bigla. Bakit sa tuwing pipikit ako ang mga salita niya ang lumilitaw? >__<

"Hmmm..." ungol iyon ni mama. Mukhang naingayan sa pagkikilos ko. Bumangon na lang ako at tinungo ang kusina. Iinom na lang ako ng gatas, marami kasi don e.

^___^v

Hindi naman sila siguro magagalit kung babawasan ko hindi ba? Hehe! ^____^v

*lakad

*lakad

*lakad

Matapos ang mahaba-habang lakaran narating ko rin ang kusina. Agad akong nagsalin ng gatas sa baso.

"Who are you?!"

Nanayo yung balahibo ko sa pagkagulat, may boses kasi na biglang lumitaw. Buti na lang hindi ko nabitawan ang baso. Paano na lang kung oo? E di ako yung magbabayad! >__<

"Hey!"

Ang boses na yun ulit. Lagot na ako, nahuli akong nangungupit ng gatas! >__<

Unti-unti akong humarap. Sinalubong nga mga mata ko ang iritadong mukha ng taong ito.

DUG DUG

Bakit sa lahat ng taong makikita ko ngayong gabi... bakit siya pa?

DUG DUG

"You?"

Patunay ba ang sobrang lakas ng heartbeat ko ang buong katotohanan na may gusto nga talaga ako sa kanya?

"M-magandang gabi.... B-Brendon..." >///<

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon