Chapter 49 Cold

1K 55 2
                                    

Chapter 49 Cold

***MEG POV***

"HACHOOO!" ipinasok ko ang dalawang daliri sa butas nitong ilong ko, syempre gamit ang panyo. Kung pwede lang sana na saksakan ko na lang ng tissue paper para may pumigil sa tumutulong puting likido sa ilong ko.

>__<

Bakit? As in, why?

Panay kasi ang pagtulo ng sipon ko. Isama niyo na ang walang tigil kong pagbahing. Kagaya na naman nito...

"Hachoooo!" >///<

"Miss Alontes, kanina ko pa napapansin iyang pagbahing mo. Is there something wrong?" tanong po iyan ng gwapo kong teacher sa senior high. Bakit nasali siya dito? Kasi nasa school na po ako.

"P-Pasensiya na po teacher." Nahihiyang tumayo ako, sabay yuko. Kung kahapon sa Junior high ako nagkalat ngayon ay dito naman! Nakakahiya na itong pinanggagawa ko! >____<

"Are you not feeling well?" ?__?

"H-hindi naman po. Pasensiya na po talaga." >///<

"Okay, you may now sit down." =__=

"T-thank you sir." Eksaktong pag-upo ko muli na naman akong bumahing. At kagaya ng dati napatingin na naman sila sa kinaroroonan ko.

Nakakahiya! >///<

"She has a fever." Biglang sabi ni Roland a.k.a. PAINCORPSE. Napatingin sa kanya ang lahat kahit na nga ako. Kasi naman sinasapo niya ang noo ko. Ang tanging ginawa ko na lang ay ang ikurap ang mga mata ko.

"Aish. Next time Miss Alontes magpasabi ka, na nilalagnat ka na pala." Sita ni teacher.

"P-pasensiya na po sir." Napatayo na naman ako at binalak na yumuko kaso, sa kasamaang palad nakaramdam ako ng hilo dahilan para ikatumba ko ito. Buti na lang nasalo ako ni Roland.

>////<

Hindi ko alam na nilalagnat na pala ako. Ang tanging alam ko lang ay masama ang pakiramdam ko mula pa kanina.

"Mr. Advincula, paki-hatid na lang si Miss Alontes sa Clinic." Sabi ni Teacher.

Hindi sumagot si Roland sa halip tumayo siya at inalalayan ako. Alam niyo ba ang reaction ng iba? Napapanganga sila, maliban na lang kay founder, Dessa, Heartkeeper at yung iba ko pang ka-clanmate.

Aish! Problema nila?

**********************

***MEG POV***

"KAMUSTA ka na?" tanong po iyan ni Adik. Pagkatapos kasi ng class namin pinuntahan niya ako kaagad. Patunay lang ito na close na kami.

Yehey! ^_____^

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" sita niya. Hindi ko pinansin ang kasungitan niya.

"Wala lang, masaya lang ako kasi bati na tayo." ^__^

"Ang babaw talaga ng kasiyahan mo." Itinukod niya ang siko sa hinihigaan ko, sabay patong ng baba niya sa kamay.

"Ano ba ang nangyari sayo? Sa pagkakaalala ko kasi kahapon sobrang okay ka pa. Tapos ngayon... ganyan ka na." =__=

Naalala ko bigla ang nangyari kagabi, kung paano ako nahulog at sinagip ni Brendon. Tapos... tapos... Ahhhhh! Pakiramdam ko, may lumalabas na usok sa ilong ko, tapos itong katawan ko sobrang init!

Ahhhhhhhhh! Ano ba ang nangyayari sa akin? Epekto ba ito ng lagnat ko? >////<

"Meg..."

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon