Kabanata 35

37 3 0
                                    

Danaya's P.OV

"ano'ng idea mo?" Noah asked

"uhh ehh."

lutang ako tae ang sakit na ng ulo ko kakaisip ng mga pwedeng theme para sa JS kaso nawala din sa isip ko tangina talaga sumpa.

"hoy?"

"ano kasi eh."

tinignan niya ako.

"nakalimutan ko yung mga idea ko."

hindi niya ko pinansin at lumabas ng classroom, mag sisix na di pa kami umuuwi. gusto daw niya dito na nanamin tapusin 'to para daw sa bahay wala na kaming gagawin.

nakita ko yung cellphone niya na kanina pa may nag nonotif, kaya kinuha ko yon.

binuksan ko yung cellphone and nilagay yung password na sinabi sakin nila Kevin kaso iniba na niya.

ano ba yan Danaya napaka pakielamera mo.

"uy Danaya." nilingon ko yung nag salita at nakita si Jeremy.

"oh bakit ka pa nandito?" tanong ko at lumapit sakanya.

"ah may nakalimutan kasi ako sa locker ko kinuha ko lang, ikaw ba?" Jeremy

"ah nag paplano kami ni Noah para sa prom kung anong pwedeng Theme." sabi ko at ngumiti sakanya.

"nakita ko si Noah lumabas na ng gate e, nakasalubong ko kanina nung pag pasok ko." Jeremy

hala, bakit ako iniwan ng mokong na 'yon andito pa gamit niya ah. nagalit kaya 'yon kasi wala akong maisip na idea.

"ha? gano'n? sige sige, uwi kana." tumango naman siya at naglakad paalis.

pumasok uli ako sa loob ng classroom at inayos 'yung gamit ko pati narin gamit niya.

"oh saan ka pupunta?" napatalon ako ng bahagya nung marinig ko yung boses niya.

"Noah" masayang sambit ko.

binigyan naman niya ako ng weirdong tingin, hanggang sa narealize ko yung sinabi ko.

"sorry, akala ko kasi iniwan mo na ako." sabi ko at yumuko.

nararamdaman kong lumalapit siya sakin, sabay sa paglapit niya yung puso ko na napakabilis ng tibok na tila'y nakikipag karera.

hinawakan niya 'yung baba ko at iniangat 'yung muka ko, mag kasalubong na 'yung mata namin.

"why would i leave you?" he asked.

wala akong naisagot.

"umuwi na tayo." agad niyang pag iba ng topic.

binitawan niya 'yung baba ko at kinuha yung mga gamit niya samantalang ako nakatulala dahil sa ginawa niya.

isang isa nalang marerealize ko ng naiinlove na ako kay Noah.

ilang beses ko ng pinigilan, kahit na isang beses di ko siya nakitang ngumiti dahil sakin ayos lang basta nakakausap ko siya.

ang saya saya ko kapag kasama siya. kung dati pakiramdam ko hindi ako safe pag kasama siya? ngayon hindi na, hindi ko alam kung kelan nag simula, basta naramdaman ko nalang na, i feel safe when I'm with him.

he's my safe place.

"Danaya c'mmon it's already 6:30." agad akong napabalik sa realidad.

agad kong kinuha 'yong bag ko at tumakbo papunta sakan'ya.

awkward kaming nag naglalakad sa hallway, sobrang tahimik, walang gustong mag salita.

dahil do'n binilisan ko ng kaunti yung paglakad ko kasi di ko kayang kasabay siya.

Love me like you doWhere stories live. Discover now