"Pwede bang turuan mo ako sa last lesson natin sa Science?"
"Yun lang naman pala eh."
Her face lightened up. "Talaga? Payag ka?"
"Oo naman." Sagot ko. "Simulan na natin ngayon? Punta tayo sa library, may nakita kasi akong books na mas makakatulong satin."
She immediately packed her things inside her bag and stood up. "Tara!"
Kinuha ko narin yung bag ko at tumayo na. Nagsimula na kaming maglakad sa gitna ng ground dahil nasa kabilang dulo pa ng ground yung library namin.
I saw some students playing volleyball, Glyde saw it too. Huminga ako ng malalim, dahil alam ko kung saan naman ito patungo.
Glyde looked at me, I just raised a brow.
She really wanted to play volleyball, pero dahil she's not physically fit and healthy, hindi siya pinapayagan ng mga magulang niya.
Unang tingin ko pa lang ka Glyde ay masasabi mo ng isang ihip lang ng hangin ay matutumba na siya. She's skinnier than me and much paler.
Bigla nalang lumipad sa direksyon namin ang bola at sakto na lumapag sa paanan ko.
"Miss!" Sigaw ng isang matangkad na babae na naka volleyball shorts at puting tshirt. "Ipasa mo nga samin yan!" How impolite!
Nanatili akong nakatayo doon at hindi sinunod ang utos niya. Nakita ko ang pag-kunot ng kanyang noo ng gawin ko iyon and mouthed something.
Then I saw this guy Rubid who was also playing, I guess, and tapped her back to calm her down. Hinawakan niya ang kamay nito at binitawan kaagad upang pumunta sa direksyon ko.
But before he could get the ball, Glyde already got it and threw it to them like a volleyball player. She even giggled when she did that.
That guy stopped walking towards me, he gave me some glance and turned his back. Naglakad siya pabalik sa kinaroroonan nila, at kami naman ay nagpatuloy narin sa paglalakad patungong library.
Nang makarating na kami ay sumilip ako sa isa sa mga bintana ng library at pinagmasdan yung mga naglalaro ng volleyball.
I thought he's a basketball player? Based on his skills, I can say he's good at volleyball too. Multitalented huh?
"Anong sinisilip mo diyan?"
Agad akong umayos sa pagkakatayo at hinarap si Glyde. "Nothing, I was just checking if it's raining.." I'm definitely a bad liar.
She furrowed her eyebrows with confusion.
"I'll just searched for that book." Pag-iiba ko ng usapan, at nagtungo na sa mga book shelves.
Nang makita ko ang aklat ay kaagad kong nilapag ito sa lamesa kung saan nag-hihintay si Glyde. She immediately get her notes, and I sat beside her.
I started lecturing her, and thank god she learned so fast!
"Ang ganda ni Shanelle no?" She asked out of nowhere.
YOU ARE READING
Euphonies of Bleeding Strings
Teen FictionDespite of having a complete and financially stable family, Eschalles Usha Asmarind grew thinking she has nothing, but just a dull unexciting life. She grew up like a puppet with strings attached, being controlled by her parents, which made her to...
Chapter 3
Start from the beginning
