Halos lahat ng estudyante ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan ngayong pangalawang araw ng Intramural sa paaralan.
May mga naglalaro ng volleyball at softball sa ground, samantalang sa loob naman ng court ginanap ang basketball.
Gusto ko sanang manood ng volleyball game kaso masyadong mainit at hindi ko gustong pagpawisan ako, malagkit sa balat atsaka nanghihina agad ako kapag nabibilad ng sobra sa araw.
Hindi naman sa nag-iinarte ako, sadyang hindi ako sanay na mag bilad sa araw.
May word scrabble game si Glyde ngayon kaya, tumambay muna ako sa student lounge, kung saan nakahilera din ang mga estudyanteng nagtitinda ng mga kanya kanyang pagkain.
May mga nagbibenta ng shake, takuyaki, barbeque, potato chips at iba pa na talaga namang gawa ng mga estudyante.
Samantalang si Joan naman ay naghahanda para sa gaganaping Mr. and Ms. Intramural mamayang hapon, at matatapos bandang alas otso ng gabi.
Grabe siguro yung kaba na nadarama ni Joan ngayon. Imagine, you would be facing the crowd who is either going to criticize or to compliment you. Though, she can handle it, I know.
Maya maya ay bigla kong nalala na ibinilin pala saakin ni Sir Orch na puntahan siya sa faculty, nakalimutan ko kasing dalhin kahapon yung permission slip na dapat niyang pirmahan upang makapasok ako sa venue ng extemporaneous speaking contest na gagawin mamayang alas tres.
Hindi ako makakasali sa contest kung wala yun, muntik ko pang makalimutan!
Nang makarating ako sa faculty room ay saktong nasa bandang may pintuan si sir habang may kinakausap na estudyanteng naka jersey pang basketball.
Lumapit ako sakanila ng bahagya at hinintay na matapos ang kanilang pag-uusap.
While waiting, I read the surname imprinted at the back of the student's jersey.
Cantellego. I mouthed.
"Ms. Asmarind!" Biglang sabi ni sir na ikinagulat ko. "Just wait a second, may kukunin lang ako." Ani nito at pumasok muli sa faculty room.
"Okay sir."
Sinulyapan ko ang estudyanteng kausap ni sir kanina. Nakatingin lamang siya sa akin na para bang may gustong sabihin. And it really creeps me out.
Hindi ko siya kaklase at ka batch kaya hindi ko siya kilala. Maybe I've seen him before, I just didn't noticed him. Well, why would I noticed him anyway?
"Miss may ballpen ka?" Tanong niya.
Nagtataka ko siyang tinignan at tinaasan ng kilay. Ngumiti lamang siya ng hilaw sabay kalmot sa kanyang batok.
He's also holding a permission slip, but unlike mine wala pa itong kahit na anong sulat. I think he lost his, and he asked for another one to sir Orch, basketball moderator nga naman pala si sir.
Hinalungkat ko ang sling bag ko at naghanap ng ballpen. Nang makita ko yung ballpen ko ay agad ko itong binigay sakanya.
He smiled widely and immediately accepted it.
Inilapag niya yung permission slip sa isang bench katabi namin at doon sinulatan yung form.
He keeps on glancing at me while writing something on the form. He's so weird.
"Matagal paba yan?" I asked.
It's just a simple form, bakit ang tagal niyang matapos?
"Teka lang miss, nagmamadali ka ata." Tawa niya at bahagyang tinignan ako.
VOUS LISEZ
Euphonies of Bleeding Strings
Roman pour AdolescentsDespite of having a complete and financially stable family, Eschalles Usha Asmarind grew thinking she has nothing, but just a dull unexciting life. She grew up like a puppet with strings attached, being controlled by her parents, which made her to...
