Chapter 2

10 0 0
                                        

Nanlamig ako dahil sa nangyari. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang naramdaman ko. Inasahan ko na rin naman na ang mga sagot ko ang gagamitin ni Joan para dito.

"Challes!" Tawag ni Glyde saakin.

Mukhang kanina pa yata niya ako tinatawag kaso hindi ko kaagad narinig dahil may iba akong iniisip.

"Nagkataon lang ba na you have the same question and answer?" Nagtatakang tanong niya.

I bit my lip and looked down. Inangat ko uli yung paningin ko kay Glyde. "She asked me to answer few questions for her."

"Sabi ko na nga ba."

"It's okay Glyde, I don't mind." I assured her.

She sighed and sat down. Umupo narin ako at sumandal sa sandalan ng upuan.

Inilibot ko ang paningin ko upang hanapin ang mga magulang ko pero hindi ko sila makita dahil sa dami ng tao.

"Our Mr. Intramural for this year is... candidate number two Mr. Diego Del Mundo."

Hindi ko namalayan na inaanunsiyo na pala ang mga nanalo. Hinanap ko si Joan sa mga candidates na nasa stage at nakita ko siyang masayang pumapalakpak.

"Challes nandito na yung mga magulang mo." Biglang sabi ni Glyde.

"Saan?" Giit ko sabay tingin sa paligid.

She pointed out my parents who were near the stage. Ngumiti ako at akmang tatayo na upang puntahan sila ng biglang tawagin ng emcee ang pangalan ni Joan.

"Our Ms.Intramural is no other than candidtae number three! Ms. Joan Marie Villanueva!"

Nakita kong tinawag ng mga teachers ang mga magulang ko upang paakyatin sa stage.

Masaya namang sumunod ang mga magulang ko at sinamahan si Joan sa ibabaw ng stage.

She also received the Miss Photogenic Award, the Best in Talent Award, and Best in Denim.

I saw my parents happily congratulated Joan while smiling at the crowd as different cameras flashes on them.

"Eschalles, heto na yung picture mo."

Nilingon ko si Ben na hawak hawak ang hiningi kong hard copy ng picture ko kanina ng manalo ako sa extemporaneous speaking.

Nginitian ko siya. "Salamat."

Mariin kong tinignan ang litrato at itinago ito saaking bulsa. I gulp as I felt the hard lump in my throat.

"Challes? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Glyde saakin ng mapansin ang katahimikan ko.

Suminghap ako at pilit na nginitian ang kaibigan ko. "Oo naman." I lied. "Maiwan muna kita ha? Puntahan ko muna sila mama."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at tumalikod na ako sakanya. Hinawi ko ang mga estudyanteng nakapalibot sa aking daraanan upang mapuntahan ang mga magulang kong kasama si Joan.

"Challes!" Tawag ni Joan ng makita niya ako. "Picture tayo!" Anyaya niya sabay tawag ng photographer upang kuhaan kami ng picture.

Euphonies of Bleeding Strings Where stories live. Discover now