Saya

7 0 0
                                    

Simula nang makilala kita,
Alam ko'y buhay ko ay sumaya.
Sapagka't binigyan mo pa ako,
Ng dahilan upang matamo ang pangarap ko.

Mahal na mahal kita,
At mahal na mahal mo ako
'Di na kita bibitawan,
Dahil ika'y akin at ako'y sayo.

'Di kita pababayaan.
'Di kita iiwanan.
Dahil ikaw lang ang aking kaligayanan.
Sa mundo kong puro sakitan.

Ika'y aking liwanag,
Sa madilim kong nakaraan.
At dahil sa isang tawag
Mawawala ang kadiliman.

Mahal na mahal kita.
Kaya alam ko sayo na ako sasaya.
Mamahalin kita hanggang dulo.
At sana ikaw na ang "forever" ko.

Spoken PoetryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt