Sir Gwapo

46 4 0
                                    

Isang tula para kay sir Gwapo.
Isang gwapong ginoo
Ang pinapangarap na nobyo
Ang lalakeng iniibig ko.
Ikaw man ay isang guro
Hindi yon hadlang para sa pagmamahal ko sayo
Kaya lang, ang tingin mo lang saakin ay estusyante mo
Sana naman, may pag-asa ang tayo.
Isang hapon, nagturo ka ng aralin na kakaiba
Lumapit ako sayo dahil kailangan naming kumanta
Tapos kinilig ako nang sabihan mo ako ng ganda.
At sinimulan ko na ang aking pagkanta
Isa, dalawa, tatlo, apat
Ang sakit ng puso ko na parang may kumagat.
Lima, anim, pito, walo,
Dahil bigla kang tinawagan ng nobya mo.
Tumayo ka at sinabi mo sasagutin mo lang ang tawag niya
Ang tawag ng iyong minamahal na nobya.
Lumabas ka na ng silid aralan
Habang ako'y nakatayo at nakatulala sa kawalan
Bigla kong naisip na bakit?
Bakit? Bakit? Bakit? Bakit ba ako umibig sa taong alam kong magdudulot lang ng sakit.
Nang lumipas ang ilang araw. Ang ilang linggo
Nalaman ko na hiwalay na kayo ng nobya mo
Ginawa ko ang lahat para mapansin mo ako
Pero masyado kang nasaktan dahil sa kanyang panloloko sayo
Dumating na ang araw na nakapagtapos na ako
At humahanap na ako ng trabaho
Nakahanap ako ng trabaho na may magandang sweldo
Sa buhay ko ngayon, sobrang saya ko
Isang gabi lumabas kaming magkakaibigan
Tapos nakita ko ang lalaking una kong inibig at kinalimutan
Akala ko sa loob ng walong taon ay mawawala ang aking nararamdaman
Pero mali ako sapagkat tumigil ang mundo nang tayo'y magkatitigan
Lumapit ka saamin
At biglang gumaan ang aking damdamin
Naisip ko nanaman ang inisip ko noong bata pa ako
May pag-asa ba ako sayo?
Kalagitnaan ng iyong paglalakad,
May dumating na lalaking matangkad
Ayun pala siya ay ang iyong anak sa nobya mong namatay
Dahil hindi niya kinaya ang panganganak at ang pagiging nanay.
Nagusap tayo ng matagalan
Sa lugar na lagi nating kinakainan
Noong ako pa ay isang kabataan
At buhay oa ang asawa mong nanay ng iyong anak na may kagwapuhan
Sinabi mo na alam mo ang nararamdaman ko sayo
Nabigla ako dahil iyon ay napansin mo
Sinabi mo na parehas tayo ng nararamdaman
Kahit nung ako'y estudyante mo palang.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now