Sya Parin

25 0 0
                                    

Pag-ibig.
Pwedeng magsimula sa isang titig.
Pero pwede rin magsimula sa isang hilig.
Ng dalawang magka-iba ang isip.

Nang minsan nakita ko kung sino ka
Doon ako napaibig ng sobra sobra
Pero hindi mo nadarama,
Ang pagmamahal ko sayo sinta.

Nang malaman mo ang aking nararamdaman,
Ako ay iyong pinagsabihan.
Na mayroon ka nang ibang nagugustuhan.
At doon ako nasaktan ng matindihan.

Lumipas ang dalawang taon,
Simula nang magkagusto ako sayo.
Pero mayroon pa ba akong magkakataon?
Para maging dahilan ng ligaya mo.

Ikaw parin hanggang ngayon.
Walang pede tumanggi non.
Dahil simula pa noon,
Magagawa ko lahat ng paghamon.

Ang paghamon ng tadhana
Para lang makuha ka.
Pero huli na ako.
Dahil may nagpapasaya na sayo.

Sa bawat araw na lumilipas,
Mas lalo lang ako nahuhulog.
Kaya kailangan ko ng armas,
Para sa paghulog na mas masakit sa untog.

Pero sana mauntog nga ako
Para magising ako sa katotohanan.
Na hindi ako ang magpapasaya sayo
At para ako ay matauhan.

Na ikaw parin ang nasa puso ko
Kahit iba ang nasa puso mo.
Mananatili akong kaibigan sayo
Kahit hindi na maging tayo.












Spoken PoetryWhere stories live. Discover now