Simula

63 19 0
                                    

"Akin na ang wallet mo, ang bag mo at ang cellphone mo. Subukan mong sumigaw, ipuputok ko 'to sa bungo mo." A terrifying voice whispered in my ears.

He's holding a gun. I can't move. I can't scream.

I'm scared.

Natatakot ako. I don't have anyone with me right now. I might die at this moment if ever I try to resist and do something that would make him mad.

Panicking, I gave him all my things and ran. Tumakbo ako ng napakabilis. Walang lingon lingon.

Tears flowed from my eyes as I silently sobbed.

Ang madilim na lugar na mas lalong nagdedepina ng aking takot at kalungkutan. I was bluffing when I said that no one's with me right now...

Because the truth is, no one's really with me.

Mag-isa lamang ako sa buhay. I raised myself, I fed myself, I clothed myself.

It's depressing. But I'm not miserable.

Galing lamang ako sa club upang magpapawi ng kalungkutan. Grumaduate ako kanina bilang isang Senior High School student. Ako lang mag-isang umakyat sa entablado. Walang magulang na nagsabit sa akin ng medalya.

Malungkot. Ngunit wala naman akong magagawa. I chose this.

Yes, I chose this. I've got an option.

I was an orphan, but I feel like I was caged so I left.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo habang pinapawi ang mga luhang kumakawala galling sa aking mga mata.

Nasaan na ba ako?

Inilibot ako ang aking paningin at nakita na nasa isa akong eskinita. Madadaanan ko ang isang tindahan kung saan may mga nag iinumang tambay.

I was alarmed. Even though I wasn't wearing a very revealing and provocative outfit, I know I can still be a possible target in times like this.

I am a girl and they are men who can't discipline their carnal needs.

I walked with urgency but I didn't run. Mas lalo lamang nila akong mapapansin kapag tumakbo ako. Worse, they would even chase me.

Nakita kong nabaling ang atensyon ng mga nag iinuman sa akin. Ang isa'y tumaas ang kilay sabay hagod ng tingin sa akin. Ang isa naman ay ngumisi ng nakakakilabot at dinilaan ang kanyang labi. Ang iba'y naghalakhakan sabay tingin sa isa't isa.

I walked faster. The harsh breeze of the cold wind made me hug myself and blow out a breath.

When I noticed in my peripheral vision that two of the drunkards stood up and slowly made their way towards my direction, I began to run. My sudden motion startled them so they did the same.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

Ang mga bwisit na 'to! Giyang na giyang mapunan ang tawag ng kalamnan!

Naiiyak na ako lalo na noong pag lingon ko ay lahat na sila ay tumatakbo. May isang nangingibabaw at sobrang lapit niya nang maabutan ako.

Sa dilim at liblib ng eskinitang ito ay malabong may makarinig sa sigaw ko kaya hindi na ako nag-abala pang gawin iyon. I would just be wasting my energy in doing that so I just exerted my remaining energy in running as fast as I can.

Walang mga bahay. Puro poste na may mga pundidong ilaw.

Hindi na ako makahinga at unti unti nang nauubos ang lakas ko.

But I didn't stop running. Hell, I'd die first before I let them take my goddamned virginity.

May nakita akong papalikong daan kaya't mas pinili kong doon tumungo. Dire-diretso ang takbo ko hanggang sa may namataan akong kanal sa gilid na bahagi ng daang iyon.

Do Me A FavorWhere stories live. Discover now