Fourteen

1.3K 9 0
                                    

UNDYING LOVE

Pagabi na kaya naman mas naging busy ako sa pag tulong sa ninong ko na may ari ng perya. Malapit nanamang mapuno ng mga tao ang lugar namin at talagang magiging busy na kaming lahat.

"Nong, 'dun lang ako kila aling Marie." paalam ko sa ninong ko na abala sa pag tulong din sa mga stall.

"O sige, ijo." anito ng walang lingon lingon.

Napailing nalang ako at nag simula nang lumakad patungo sa food stall na malapit lang sa tinatambayan ko. Pasipol sipol pa ako habang pasimpleng naglilibot ng paningin sa paligid, mahirap na perya pa naman 'to at maraming makakapasok.

Habang busy ako sa pag mamasid sa paligid hindi sinasadyang matapunan ko ng tingin ang dalagang masayang naglalaro para makakuha ng laruan.

"Ang ganda." nabulong ko sa sarili ko habang nakatulala dito.

It takes a little while to get myself from that reverie. She's so beautiful, so fascinating. Tumikhim ako bago nag desisyong lapitan ang dalaga.

"Hala muntik ko nang tamaan!" anito bago nilapag ang pellet gun at dismayadong tumingin sa isang stuff toy. "...babye stuff toy, 'till we meet again." sabi nito bago bumuntong hininga.

"Gusto mo kunin ko 'yon para sa'yo?" lakas loob na sabi ko habang nakatingin sa stuff toy na gusto niya. Sakto at kaming dalawa lang sa stall na'to kaya naman hindi na mahirap dumiskarte.

"Ha?" tumingin ito saakin at tinuro ang sarili. "...ako ba kausap mo?" paninigurado nito.

I chuckled while looking at her adorable face. Tumango ako at bakas ang pagniningning ng mga mata nito.

"I can do that for you." buong kumpyansa kong sabi habang nagbabayad na para simulan ang paglalaro.

"Hambog." sabi pa nito na ikina-iling ko.

"Watch." is all that I've said before starting to shoot the little aliens on the wall.

Sunod sunod ang pag kalabit ko sa gatilyo at sunod sunod din ang pagbagsak ng mga maliliit na alien.

"Phew, basic." ani ko pa habang inaabot ang napanalunan kong stuff toy at inabot iyon sakaniya.

"Para saakin?" takang tanong nito habang tinatanggap ang laruan.

"Para sayo." my heart twitched as it pound loudly when she smiled at me.

What the fuck is happening to me?!

"Thank you, mister?"

"Dylan, call me Dylan."

"Thank you, mister Dylan! I'm Kristine." she said with a sweet smile.

And since that day we've become friends, we exchange numbers, we go out alot until I've realized that... I'm falling for her.

-
Kabado ako habang nag hihintay sa tapat ng mcdo, mag kikita kasi kami ni Kristine ngayon at gusto ko ng umamin sa nararamdaman ko para sa kaniya.

One Shot Stories Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ