Tumalikod ako sa kanila at naglakad papasok. Everything was ruined. The royal hall of Winzellia is in chaos. The surrounding is familiar.

Alam kong hindi pa ito ang panahon pero gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. I want to finish this story already.

Hindi ko alintana ang gulo sa paligid. Pilit kong inakyat ang palasyo hanggang sa mapunta ako sa pinakamataas na tore ng kaharian.

Nilibot ko ng tingin ang paligid. Dito ako napunta nang makita ko si Victoria sa panaginip ko. Sumilip ako sa baba at halos malula ako sa taas nito. Makikita mo pa rin ang mga tao na nagkakagulo.

"Isang hakbang nalang at matatapos na ang lahat."

Mahina akong napatawa. Iyon na iyon din ang sinabi ni Victoria dati. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang hangin.

[Just close your eyes,
The sun is coming down.]

"Pagod na pagod na ako. Ayoko na." Sa paglakataong iyon ay tumulo ang mga luhang kanina pa nais kumawala sa mga mata ko.

[You'll be alright.
No one can hurt you know]

Isang hakbang nalang at matatapos na ang lahat.

Ngunit bago pa man ako makahakbang ay may humitak sa akin palayo at niyakap ako.

"You're now safe. Eerah, nandito na ako."

[Come morning light.
You and I'll be safe and sound.]

"Nickolas," yinakap ko siya nang mahigpit at humikbi.

I don't know how long I've been crying in his arms but he just caressed my hair until I stopped crying.

Napaupo ako sa sahig at dumukmo sa binti. "I'm so tired, Nick."

"Then, let's escape."

Nagtataka akong napatingin sa kanya pero ngumiti lang siyang hinitak ako patayo at nagmamadaling bumaba sa tore.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Anywhere but here."

Napangiti ako. The chaos around seems to stop while we are running. Sinusundan na kami ngayon ng mga lalaking nakaitim na maskara ngunit hindi namin ito alintana.

[Run, baby, run.
Don't ever look back.
They'll tear us apart
if you give them a chance.]

Tumakbo lang kami nang tumakbo sa kapatagan ng Winzellia hanggang sa makaabot kami sa isang bangin sa gilid ng dulo ng talon.

"What now?" Tanong ko habang hinahabol ang hininga. Nakakapagod tumakbo pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin maiwasang ngumiti. Escaping is indeed fun.

Ngunit nawala rin ang ngiting iyon nang makita ang labindalawang lalaking nasa harap namin ngayon. Sa unahan nila ay nakatayo ang dalawang may suot na puting maskara. Uno at Dos.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Nickolas sa kamay ko. Humarap siya sa mga ito habang ipinuwesto niya naman ako sa likod niya.

"Dito ka lang, Eerah."

Agad siyang sumugod sa mga ito kahit na walang sandata. Ang ginawa niya lang ay umiwas sa atake hanggang sa maagaw niya ang espada ng isa. Nagpatuloy pa rin ang laban. Magaling si Nickolas ngunit masyado silang marami.

"Nickolas!"

Hawak na siya ngayon ng mga nakamaskara habang nakaluhod. Lalapitan ko sana siya ngunit hinawakan rin ako ng mga kasamahan nito.

"Hindi ba't ako ang kailangan niyo? Pakawalan niyo na si Nickolas."

I heard a laugh of the man under the white mask, that must be Uno. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at hinubad ang maskara.

Ever AfterWhere stories live. Discover now