|Chapter 1

18 4 17
                                    

'Sheena the Great Detective'

(Sheena's POV)

"LULUUUUU, GUMISING KA NANG BATA KA. MALALATE KA NA SA SCHOOL. HAY NAKU YAN NA NGA BA SINASABI KO. DAHIL DYAN SA KAKAPANUOD MO NANG CARTOON MOVIES NA YAN~" sigaw nang dakila kong ina galing sa labas ng kwarto ko. Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya dahil sumabat na ako.

"SABI NANG ANIME YAN MA, HINDI CARTOONS." sigaw ko naman pabalik sa kanya.

Ilan ulit ko kayang sabihin dito sa bruha kong mama na hindi cartoon movies yung pinapanuod ko. Anime nga diba. Kabanas ke aga aga, hehe pero wag ka love ko pa rin yan si mama kahit na ang daldal ng bibig. Mom's are like that so you don't have to be surprised kung ganyan din mama nyo. 

Tumayo na ako at nagtungo agad sa banyo para makapagligo na. May klase pa kasi kami ngayon kaya kelangan ko maghanda. I removed all of my clothes and took a quick shower. 

Konichiwa minna-san. Sheena Lou Lorenzo desu. And I am a proud Otaku. Although Detective Conan lang naman talaga yung palagi kong pinapanuod, pero Otaku parin naman ako. 17 years old nga pala malapit na mag18. 

Height? 

Hmm let's just say na mas mataas pa ang isang nakatayong German Shepherd na aso kesa sakin. In short, ako ay isang pandak. 4'8 lang ata ang height ko eh. Di ko na alam, allergic kasi ako sa height measurement. Tsaka paano ba naman kasi, tulog talaga ako nung panahon na nagpasabog si Lord nang grasya para pangpatangkad. Kaya ito, ako palagi nauuna sa linya pag may flag ceremony na. 

Lagi rin ako tinutukso ng mga kaklase ko na dapat nasa elementary pa daw ako. At lagi rin akong pinagkakamalan ng mga matatandang neigborhoods namin na elementary pa daw ako, like hello po mga manong at manang matanda pa po ako sa mga apo nyo. Hayyss.

Okay stop, sinasaktan ko lang ang sarili ko. Balik na nga.

Everyone calls me Sheena, obviously. Pero Lulu ang tawag sakin nang closest friends at pamilya ko. 

Feauture? 

Di naman sa nagmamayabang pero maganda ako, nakuha ko sa genes ng mga parents ko. A straight fine thin pitch black hair na hanggang bewang, May bluish na mga mata, maputi as in yung parang hindi ka na nasinagan nang araw, pale na pale, mapagmahal, cute at maganda. 

Naks mukhang binabagyo ata tayo dito. Hayaan nyo na nga lang, may ibidensya namang maipagmamayabang.

Fashion sense? Hmm normal naman, or atleast normal sa tingin ko. 

Likes? OF COURSE DETECTIVE STORIES AND MOVIES YAN. pinakapaborito ko talaga yun. Sobra.

Dislikes? Wala naman akong masyadong dislikes eh. Flexible naman kasi ako na tao. 

Yun lang sa introductions ko. 

Matapos ko makaligo at magayos ng buhok pati mukha, tumingin muna ako sa salamin bago pa man ako makababa. I am wearing my school uniform, which is pinakalike na like ko talaga, kaya nga ako nagenroll siguro sa school na pinapasukan ko ngayon dahil sa uniform nila. Para kasing sa anime eh, above knee plated black skirt with white loose blouse just above the navel with a black striped white collar and a touch of red ribbon, sa baba naman ay ang typical na short white socks with black leather school shoes. 

Ouh diba perfect anime in real life. 

"Oh, mabuti naman bumaba kana, kumain ka muna dyan bago ka pumunta ng school" saad ni mama sabay lapag ng ham, bacon and eggs sa lamesa. Typical na almusal pero if sa tingin nyo na yan lang lahat nagkamali kayo. Pinoy to noh, dapat may kanin. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Criminal BoyWhere stories live. Discover now