Inilapag niya isa isa ang order namin. Siya ang nagayos nuon kaya naman pinanuod ko lamang siya. "Andami naman nito" puna ko sa pagkaing inilapag niya sa aking harapan.

"Ubusin mo yan" sabi pa niya kaya naman napanguso ako at tsaka nagsimula na ding kumain.

Tahimik kaming kumakain ng sikuhin ko siya. "Kabisado mo na yung parts?" panguusisa ko sa kanya kaya naman halos mabulunan si Kenzo.

"Siraulo ka, baka matapunan pa ako ng pagkain ha" suway ko sa kanya kaya naman ng makabawi ay natawa siya.

"Kumakain tayo baby" natatawang suway niya sa akin na ikinairap ko lamang.

Hindi na sana ako magsasalita pa ng muli siyang humilig sa akin at tsaka binulong. "Gusto mong idemo ko sayo mamaya?" paos na sabi niya sa akin kaya naman muling nagtaasan ang mga balahibo ko.

Kaagad ako siyang hinampas sa braso. "Ang bastos mo talaga Kenzo, hayop ka talaga" sita ko sa kanya na tinawanan niya lamang.

Pagkatapos kumain ay nilagyan niya ng ointment ang sugat sa gilid ng aking labi. Nanatili lamang ako nakatitig sa kanya habang ginagawa niya iyon. "Bakit naman niya ginawa ito sayo?" seryosong tanong niya sa akin kaya naman nagiwas kaagad ako ng tingin sa kanya.

"Eh kasi naka 90 lang ako sa exam ko. Tapos napahiya pa siya sa mga kaibigan niya nang sabihin ko sa kanila na hindi pa sure kung makakagraduate ako next year" malungkot na kwento ko sa kanya. Titig na titig ito sa akin habang mariing nakikinig.

"Hindi kasi ako katulad ng ate ko na matalino, kaya nga sa Ateneo siya pinagaral ni Papa...gusto ko ngang sa bulacan lang mag college at mag educ pero ayaw niya" patuloy na kwento ko pa.

Marahang hinaplos ni Kenzo ang pisngi ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko ng nakangiti ang gago, nagdradrama ako dito tapos ngingiti ngiti siya. "Thank you pa din sa Daddy mo at dito ka niya pinagaral. Kung hindi, hindi kita makikilala" sabi niya na ikinairap ako.

"Kung hindi mo ako nakilala feeling ko si Fidez endgame mo" laban ko sa kanya ba ikinangisi niya.

"Magkaibigan lang kami ni Fidez,Wag na magselos uhm..." sabi niya at tsaka ako hinalikan sa aking pisngi.

Marahan niyang hinaplos ang parte ng pisngi ko na malapit sa aking sugat. "Pero hindi pa din tamang sinaktan ka niya. Hindi dapat niya sinasaktan ang baby ko" malamabing na sabi pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Kasalanan ko naman kasi Bobo ako" sagot ko sa kanya kaya naman pumungay ang mga mata ni Kenzo.

"Hindi iyan totoo, medyo tamad ka lang pero hindi ka bobo" sabi niya sa akin at bahagyang tumawa para pawiin kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko.

"Tangina ka talaga Kenzo" nakangusong sita ko sa kanya kaya naman napangiti siya bago bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Walang sabi sabi niyang inangkin iyon kaya naman napapikit na lamang din ako.

Tinuruan ako ni Kenzo para sa Finals namin. Pagkatapos ng final exam ay magkakaroon kami ng Outreach program na gaganapin sa may bustos bulacan. Isang bahay ampunan ang pupuntahan namin duon.

"6 ng umaga dito sa school. Sabay sabay tayong pupunta sa bustos" anunsyo ng coordinator namin. Kanina ang last set ng exam namin. Biyernes ngayon at sa linggo na ang outreach program namin.

"May ilang pharmacy alumni din tayo mula sa college of medicine ang makakasama natin" anunsyo pa niya na hindi ko na lamang pinansin. Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Abby.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now