Epilogue [UNEDITED]

56.7K 1.9K 1.9K
                                    

***

"Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?"

Hindi ko mapigilan umiyak habang naglalakad ako sa pasilyo, papalapit kay Shania na ngayon ay titig na titig sa akin. Sobrang ganda niya ngayon sa suot niyang wedding gown, halatang pinaghandaan at pinagplanuhan nga talaga nila ito nang mabuti na wala ako.

"Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be," si Charles ang kumakanta ngayon sa gilid habang si Rafael ang tumutugtog ng piano.

Good thing, water proof ang make-up ko, kaya kahit umiyak ako ay alam kong hindi pa rin ako magiging pangit sa mga kamerang nakatutok ngayon sa akin. Mabilis ang kabog ng dibdib ko sa bawat hakbang na ginagawa ko papalapit sa papakasalan kong babae.

"Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you."

God, what did I do to deserve her in my life? Ngayon na ata ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Lahat ng mga masasakit na napagdaanan at naranasan ko noon ay parang nawala at naglaho na sa isipan ko.

Habang tinitignan ang napakaganda kong pakakasalan ay hindi ko mapigilang isiping sobrang swerte ko. Ako na ata ang pinakamaswerte sa lahat? Sino nga ba namang mag-aakalang ang magaling at dating hinahangaang modelo ang pakakasalan ko?

"Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be."

Patapos na ang kanta at malapit na rin ako sa kanya. Ngumiti ako nang iabot niya sa akin ang isang kamay niya. Bago tuluyang humarap sa magkakasal sa amin ay napatingin muna ako sa mga taong dumalo. Nakangiting kumakaway sa akin ang mga kabanda ko maging si Christian. Naroon din ang manager namin at si Mr. Park. Sunod kong tinignan ay ang mga parents namin ni Shania. Si mommy na nagpupunas ng luha, si daddy na nakatingin sa akin at tila proud na proud. Ang mga kapatid ko, at lalong lalo na si Kuya Steve na nagthumbs up katabi ang naiiyak din niyang nobya. I'm happy that he's really okay now. Nginitian ko silang lahat at sumaludo pa ako kaya nagtawanan sila.

"What did I do to deserve you?" Bulong sa akin ni Shania.

Teka, iniisip ko lang iyon kanina, ah?

"Iyan din ang tanong ko sa sarili ko," natawa ako.

"Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you."

Nang matapos ang kanta ni Charles ay umupo na ang lahat at nakinig sa litanya ng pari. Mahigpit ang hawak ni Shania sa kamay ko ngayon, ramdam ko ang pagiging pasmado nito, halatang kinakabahan. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti.

"We gather here to unite these two people in marriage. Their decision to marry has not been entered into lightly and today they publicly declare their private devotion to each other. The essence of this commitment is the acceptance of each other in entirety, as lover, companion, and friend."

Dati rati ay nababagot at tinatamad akong umattend sa mga ganitong klaseng seremonya pero ngayon ay tuwang tuwa na ako, buhay na buhay, at todo ang ngiti habang nakikinig sa litanya ng pari.

"Do you both pledge to share your lives openly with one another, and to speak the truth in love? Do you promise to honor and tenderly care for one another, cherish and encourage each other, stand together, through sorrows and joys, hardships and triumphs for all the days of your lives?" Tanong ng pari sa amin.

My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon