Chapter 46 [UNEDITED]

35.6K 1.4K 926
                                    

***









Bago kami pumasok sa loob ng airport ay hinintay muna namin si Shania at ang daddy niya na nag-uusap sa medyo kalayuan sa amin. Seryoso ang pag-uusap nila base sa expression ng mukha ng daddy niya, nakatalikod si Shania kaya hindi ko makita ang mukha niya.









Maya't maya ay napapatingin sa akin ang daddy ni Shania at muli ring nag-iiwas ng tingin. Anong pinag-uusapan nila? Bakit feeling ko ay ako 'yon? Pero bakit naman nila ako pag-uusapan?









"Sylvia, Sev, mauna na kayo sa loob kasama sila Savien. Hintayin ko na lang muna si Shania dito," sambit ni Kuya Steve.








Habang hinihila ako ni Ayen ay hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa dalawa hanggang sa makapasok kami sa loob. Hinintay namin sila ng ilan pang minuto bago sila dumating.








Gusto kong tanungin si Shania kung kumusta ang pag-uusap nila ng daddy niya but she's with Kuya Steve. Halatang hindi maganda ang pag-uusap nila dahil seryoso na naman ang mukha nito at tila mas lalong lumamig ang mga mata niya.









Hanggang sa lumipad ang sinasakyan naming eroplano at nakarating ng Pilipinas ay hindi kami nakapag-usap ni Shania dahil laging nasa tabi lang siya ni Kuya kahit pa man sobrang haba ng oras na nasa eroplano kami. Napapatingin siya sa akin pero kapag nagtatama ang mga mata namin ay agad itong umiiwas at tumitingin na sa ibang direksyon.








Parang bumalik bigla iyong Shania na una kong nakilala at nakakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahil doon. Anong problema? Bakit biglang ganoon na naman?











"Savien!"









Lutang na tumingin ako sa mga kabanda kong tumatawag sa akin kanina pa. Para silang mga batang tumatakbo papalapit sa akin, sa amin. After almost 17 hours na nasa eroplano ay nandito na kami ngayon sa labas ng airport at hinihintay na lang ang susundo sa amin na driver ni daddy.









"Kuya Steve, pahiram muna si Savien, ah?" Sambit ni Charles matapos bumati sa mga kasama ko.








Hinila na ako ng mga kabanda ko at sinakay sa sasakyan nila. Ang mga gamit ko ay naiwan kila Kuya, sigurado namang sila na ang bahala roon. Tangina, may jetlag pa ako. Gusto ko munang magpahinga, gusto ko munang matulog.









"Teka nga, bakit niyo ba ako hinila 'tsaka saan tayo pupunta?" Tanong ko sa mga kasama ko nang paandarin na nila ang sasakyan.









"Gusto kang makausap ni Manager. Antagal mo raw kasing nawala."








Binatukan ko ang katabi kong si Jerald nang masabi niya iyon, napaaray siya dahil sa ginawa ko, "dalawang linggo lang akong nawala."







Tumigil ang sasakyan ni Charles sa parking lot ng ACB. Nakangiti lang sila habang naglalakad kami papasok. Masasapak ko talaga ang mga ito kung katarantaduhan na naman ang ibubungad nila sa akin.








Nang makapasok kami sa ACB ay laking gulat ko nang makita ang owner ng ACB at ang manager namin, naroon din si Christian at may iba pa silang kasama. Natigilan sila sa pag-uusap nang mapansin kaming pumasok.








"Oh, nandito na pala sila," sambit ng manager namin.








Iginiya ako ng mga kabanda ko hanggang sa makalapit kami sa kanila. Isa-isa silang nag-shakehands kaya iyon na rin ang ginawa ko sa dalawang katabi ni Christian.








My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon