Chapter 8 [UNEDITED]

38.9K 1.4K 393
                                    

***








Muli akong napatingin sa aking cellphone na kanina pa nagv-vibrare. Pang-ilang tawag na ito ni Kuya simula kaninang umalis ako sa mall. Siguro ay nalaman na niya ang nangyari, siguro ay nasabi na iyon sa kaniya ng kaniyang asawa. Ayaw kong sagutin ang kaniyang tawag dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Maging sa kaniya ay naiinis ako, naiinis ako sa lahat, sa parents ko at lalung-lalo na sa babaeng pinakasal kay Kuya.





Kung hindi lang talaga malapit sa akin si Kuya at kung hindi lang siya mahalaga ay hinayaan ko na ito. Sana ay wala na akong pakialam pero hindi. Ayaw kong nakikita ng mga tao, lalo na ng mga kamag-anak naming niloloko siya ng pinaasawa sa kaniya kahit alam pa iyon ni Kuya.




They are married for Pete's sake, tapos ganon ang gagawin niya. Kahit sabihin niya pang arranged marriage lang iyon. They are still married at hindi na dapat niya ginagawa ang bagay na 'yon.




"Savien."




Napalingon ako sa likuran ko. Paano ako nahanap ni Kuya? Paano niya nalamang nandito ako? Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng isang bote ng alak.




Nandito ako ngayon sa Residencia, isa itong resto bar at open ang place kaya maaliwalas ang paligid lalo na kapag gabi dahil kitang-kita ang city lights. Ito ang takbuhan ko sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa akin, dahil kapag pumupunta ako dito ay parang nawawala ang lahat ng gumugulo sa akin.




"I'm sorry."




Napatingin ako kay Kuya na ngayon ay nakahalumbaba at tila may mabigat na dinadala. Bumuntong-hininga ako at uminom sa binigay niyang alak. Ayaw kong nakikita siyang ganito, madalas ay nakakasama ko si Kuya sa puro kasiyahan at tawanan lang.




"Alam kong naiinis ka ngayon sa akin. Disappointed."




"Mas naiinis pa rin ako sa bestfriend mo, sa asawa mo," I said as I rolled my eyes at him.




"I know what she did, Sav," tumigil si Kuya at tumingin sa akin, "kasi ako ang nagsabi sa kaniya na gawin ang bagay na 'yon."




Nagulat ako sa sinabi niya, "what the heck, Kuya? Nababaliw ka na ba? Paano kapag nakita siya nila mommy na may kasamang ibang lalaki? Paano kapag nakita siya ng mga kamag-anak natin? Ano na lang ang sasabihin nila sa 'yo?" Pinigilan ko ang sarili kong huwag taasan ang boses ko kahit galit na galit na talaga ako. Maraming tao rito at ayaw kong maturingang eskandalosa.




Bumuntong-hininga si Kuya, "hindi ko na 'yan naisip. I'm just desperate to help her, to make her happy. Ayaw ko siyang ikulong sa akin kahit kasal kami. Kahit iyong kalayaan man lang niyang makasama niya iyong taong gusto niya ang maibigay ko sa kaniya. Masyado siyang nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon because of our parents, Sav."





Hindi ko siya maintindihan sa huling sinabi niya, naguguluhan ako. "Because of our parents? Hindi ba't ginusto rin ito ng parents niya?"




Uminom si Kuya sa hawak niyang alak. Hinintay ko siyang magsalita, hinintay ko siyang may sabihin pero wala akong nahintay.




"Bakit ba kasi siya pumayag? Pwede namang isa sa inyo ang magreklamo, ang tumakas para hindi na mangyari 'yan."




"I'm sorry," malungkot na sabi ni Kuya.




Hindi ko man maintindihan ang reason nila kung bakit sila nagsstay sa ganitong sitwasyon ay inintindi ko na lang at hindi na lang ako umimik pa ulit.




My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon