Chapter 2 [UNEDITED]

56.9K 1.7K 389
                                    

***

"Sav, please, talk to me."

Bumuntong hininga ako, ang sa sakit sa ulo. May hangover pa ako at ito ang gigising sa akin, "Jenny-"

"It's Cindy," she corrected.

Tumango ako at tila bagot na bagot akong tumingin sa kaniya, "I'm not into a serious relationship, hun. All I want is a one night stand. Iyon lang. No string attached, walang kahit ano, just lust."

Hindi ko alam kung pang-ilang babae na ba itong humabol sa akin dahil lang sa one night stand. Ni hindi ko na nga maalala ang mga pangalan nila, eh. Una pa lang sinabi ko na sa kanila iyong rule ko pero ang hindi ko malaman ay kung bakit hindi pa rin iyon malinaw sa kanila at patuloy pa rin sila sa paghahabol.

"P-pero, Sav-"

"Please, leave, Wendy-"

"It's Cindy."

"Okay, Cindy, Wendy, whoever you are, just please leave now and let me rest," hindi ko na mapigilan ang sarili ko, nagiging short tempered talaga ako lalo na kapag may hangover ako. Sinarado ko na ang pintuan ng unit ko at muling pumunta sa kwarto at binagsak ang sarili ko sa bed ko.

Napasapo ako sa ulo ko dahil matindi talaga ang pananakit nito at tila gustong sumabog. Ang sarap at ang saya uminom pero pota, after that sobrang sakit na sa ulo.

"Fuck you!" Sigaw ko nang makuha ko ang cellphone kong kanina pa tumutunog, sinagot ko iyon without even knowing who the fucking caller is, "pota, pwede bang mamaya ka na tumawa-"

"Stop cussing, Savien. Hindi kita pinalaki para maging ganyan kabastos."

I rolled my eyes the momment I heard that voice. Yeah, right, hindi niya ako pinalaking bastos, "what do you need?"

"Pack your things at bumalik ka na rito sa bahay sa ayaw at sa gusto mo. Hindi ko na maatim ang mga sinasabi ng mga kamag-anak natin tungkol sa 'yo, sinasabi nilang nagrerebelde ka because of us kaya bumalik ka na dito. Mang Carlo will fetch you."

Agad kong pinatay ang tawag ng aking ina. Hindi na sila nagbago, hanggang ngayon mas iniisip pa rin talaga nila ang sarili nila. Imbes na sabihing umuwi na ako dahil miss na nila ako ay hindi, pinapabalik ako sa bahay dahil ayaw nilang madungisan ang mga pangalan nila. Babalik ako ro'n just to prove sa mga kamag-anak namin na hindi sila ang dahilan ng pagrerebelde ko? Nice, ano pa nga bang aasahan ko sa kanila? Actually, hindi naman talaga ako nagrerebelde. I'm not calling it like that, I'm just doing what I really want, I'm just following my dreams. Mga pangarap kong mahirap tuparin kapag nasa puder ako ng mga magulang ko kasi hindi sila sang-ayon dito.

Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa pagtawag niya. Ayaw kong umalis dito at bumalik sa puder nila. Masaya na akong mag-isa ngayon at nagagawa ang lahat ng gusto kong gawin, mas malaya ako kapag wala sila.

Kung babalik man ako ro'n, siguradong hindi ko na magagawa ang mga gusto ko, lalo na iyong pagbabanda at paggigig. Buhay ko na ang pagkanta, ang musika. Hindi pwedeng mawala iyon sa akin, hindi ko pwedeng itigil iyon. Lalo na iyong night life ko kaya hindi pwede, hindi ako pwedeng bumalik sa kanila. Mauuhaw lang ako ng alak, matitigang lang ako—ah, basta!

Tangina, Sav. Kapag bumalik ka doon paano na lang ang mga babaeng nagkakandarapa para matikman lang ang mga labi mo? Para makita at makasama ka? Lalo na't para marinig ang boses mo.

Siguradong pipilitin lang nila akong mag-aral ulit ng about sa business. Ayaw ko nang mangyari ulit iyong dati, ayaw kong may kumokontrol sa akin, sa buhay ko. Kahit mga magulang ko pa sila. Buhay ko ito kaya gagawin ko kung ano man ang gusto ko.

My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon